^

PSN Showbiz

Female personality laging luray-luray sa mga comment!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nakikisimpatya sa isang pamosong female personality na lahat na lang yata ng gawin at sabihin ay palaging kinokontra ng mga netizens.

Nakakaawa ang kilalang babaeng personalidad kapag umaatake na ang kanyang mga bashers, talagang hinihimay siya, luray-luray ang imahe ng female personality.

Sabi ng isang source naming direktor, “Lahat ng sabihin niya, palaging under the microscope. Talagang hinihimay-himay siya. Pinagdududahan palagi ang mga ipino-post niya!

“Kapag napapanood ko nga siya sa TV, e, pinag-aaralan kong mabuti ang mga galaw at sinasabi niya. Tinitingnan ko ang sincerity sa kanyang mga sinasabi.

“Okey naman siya, nakatatawid naman siya sa mga tele­viewers, kinakikitaan ko naman siya ng sincerity. Bakit kaya maraming hindi naniniwala sa kanya?” tanong-opinyon ng kakuwentuhan naming direktor.

May mga pumupuna sa kilalang female personality, kung saan daw siya nakikinabang ay du’n siya nakapanig, tulad sa nagaganap ngayon sa isang malaking network.

Komento naman ng isa pang impormante, “Ang sakit-sakit tanggapin ng mga akusasyon laban sa kanya! Para masabihan kang malas, na ikaw ang may bitbit na kamalasan du’n sa network, e, napakatindi nu’n!

“Ano naman ang kinalaman ng mga artista ng network sa matinding isyung ibinabato laban sa kanila? Porke ba lumipat ng istasyon ‘yung tao, e, siya na ang dahilan ng pagpapasarado sa istasyong nilipatan niya?

“Sobrang unfair naman nu’n! Kung hindi naman siya kikibo at magbibigay ng stand niya, ano naman ang sasabihin against her ng mga ayaw sa kanya?

“Siguradong siya pa rin ang pag-iinitan! Ang sasabihin naman ng mga taong ‘yun, e, hindi siya nagsasalita, kasi, mawawalan na siya ng pakinabang sa istasyon kapag nasarado nga!

“Nakakaawa naman siya, sa totoo lang, dahil sincere naman siya sa mga sinasabi niya. Kahit sasandaling panahon pa lang siyang nagtatrabaho sa network, e, matindi na ang pagpapasalamat niya!” napapailing na sabi ng nakakaunawa sa singer-actress.

Ubos!

Robin lumalabas na ang tunay na kulay!

Unti-unti nang lumilinaw kung ano ang totoong kulay ni Robin Padilla tungkol sa kontrobersiyal na panghaharang ng ilang sektor sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi na ang mga kababayan lang natin nagdududa sa posisyon ng action star ang umalma, mismong mga nakatrabaho na niya sa higanteng network ang nakakaargumento niya ngayon, marami na siyang halimbawang ibinibigay tungkol sa karapatan ng maliliit na trabahador ng istasyon.

Kung pagiging matulungin ang pag-uusapan ay saksi kami sa dami ng mga taga-industriyang ina­abutan niya ng ayuda. Wala siyang pinipili. Basta dumulog sa kanya ay hindi aalis na luhaan.

Siya kung tutuusin ang totoong matulungin sa kanyang mga kabaro, hindi si Coco Martin, kahit pa binibigyan nito ng trabaho ang mga artista.

Sa punto ng pagmamalasakit sa mga em­pleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kapag tuluyan na ngang naipasarado ang ABS-CBN ay walang dudang kaisa si Robin du’n ng mas nakararami.  

Marami na siyang nagawa, hindi gagawin pa lang na pagtulong, kaya parolado siya sa isyung pinagtatalunan. Butas ang kanyang palad sa pag-ayuda, maraming magpapatunay nu’n, kaya ilabas dapat siya sa usapin ng malasakit sa mga nangangailangan.

Pero ang isyu ay franchise renewal, ibibigay ba ‘yun sa ABS-CBN o hindi, mananaig ba ang mga poder na kumokontra o malulusutan ‘yun ng network?

Du’n hinahanapan ng posisyon ng bayan si Robin Padilla. Nasaang panig ba siya? Mababalewala ba ang isyu ng pagtanaw ng utang na loob kay Robin dahil kilalang-kilala siyang tagasuporta ng ating pangulo na panay-panay ang pagsasabing hindi nito pabibigyan ng prangkisa ang istasyon?

Nasa gitna ng nag-uumpugang bato ngayon si Robin Padilla. Pababayaan ba niyang maipasarado ang network na unang-unang nagtiwala sa kanya nang makalabas na siya ng kulungan?

Ganu’n na lang ba kadaling kalimutan ang istasyong nagbigay sa kanya ng tiwala sa isang panahon na malupit ang ating lipunan sa mga ex-con?

Tuluyan na ba niyang babasagin ang pinggan na kinainan niya sa ABS-CBN dahil lang sa kaalyado niya ang mga taong kumokontra sa franchise renewal ng ABS-CBN?

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with