^

PSN Showbiz

Robin pinalala ang isyu sa dating pinagta-trabahuhan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Robin pinalala ang isyu sa dating pinagta-trabahuhan
Robin

Tila lumalala na ang isyu ni Robin Padilla sa ABS-CBN dahil sa ipinost niya tungkol sa quo warranto na ikina-react ng mga taga-Kapamilya network na ang iba roon ay nakatrabaho ni Robin.

Sabi nga niya sa mga kasunod niyang post, Valentine’s gift na raw niya sa asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla kaya tinanggal na niya ang naturang post.

Pero napunta na ngayon ang isyu sa labor issue na isa sa nag-react ay si Ethel Espritu na close nga kay Robin.

Kaya kahapon, nag-post si Robin ng sagot niya kay Ethel.

Sabi niya sa kanyang post sa kanyang IG account kahapon; “God is great! Mam Sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga ABS-CBN batid nila ang aking pagtulong sa mga empleyado nito lalo sa pangbili ng gamot, libing ng patay, utang na hindi mabayaran, pampaopera ng anak na may butas sa puso etc etc. Mam Ethel pakitanong mo sa set ng Sana Dalawa Ang Puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non regular employees ng ABS-CBN walang iba kundi si mam Gina Lopez mahigit isang oras kami nag usap pati ang patungkol sa housing ng mga non regular employees.

“At sayo mam Rocky Ubana batid ba ng mga boss mo sa ABS-CBN na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng DOLE na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo?

“Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag usapan dahil magrenew ng franchise ang ABS-CBN ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kaniyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground. Ganon po talaga mga mam ang negosas­yon sa mga multi billion companies na may labor issue hindi ko naman po yan imbento may mga kaso po sa korte patungkol sa mga empleado ng ABS-CBN at patungkol naman sa mga artista na kamag anak ko maraming salamat po sa trabaho na naibigay niyo sa kanila Praise God pero hindi po sila ako at ako ay hindi sila may sarili silang mga isip at buhay they can join you in bashing me it’s their right. I will be forever thankful to abscbn and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor yun ang harapin natin wag natin daanin sa drama i already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon.”

Abangan na lang natin kung panibagong giyera ba ito sa gitna nina Robin at mga taga-ABS-CBN.

Pero ang isyu dito ay ang renewal ng franchise ng Kapamilya network at ang isinampang quo warranto.

Fans nalamyaan kay Donny

Inabangan namin ang ilalabas na press release ang Star Cinema kung nakamagkano ang pelikulang James & Pat & Dave pero wala silang inilabas. Baka nga totoo ang nakarating sa aming kuwentong hindi ito ganun kalakas.

Hindi naman kinumpirma ng aming source kung totoong hindi pa raw sumampa ng P2-M ang first day of showing nito.

Inaasahan papalo pa ito sa weekend, pero bakit parang hindi pinag-uusapan? Maganda ba?

Malalaman natin kung susundan pa ng isa pang project sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Sabi naman ng ilang nakapanood, parang nalalamyaan daw sila kay Donny Pangilinan, at hindi nila nagustuhan ang pelikula.

Papasok pa lang tayo sa 1st quarter ng taon, wala pa talagang masasabing blockbuster hit na Pinoy movie.

Sabi ng aming source, naka-P36-M lang daw ang two weeks ng Block Z at ang 1st week naman ng On Vodka, Beer and Regrets ay naka-P37-M, pero hindi na tumaas ang kita nito.

Sana maganda ang kalalabasan ng Untrue nina Cristine Reyes at Xian Lim na magsu-showing na sa February 19. Impressive din ang trailer ng Us Again nina Jane Oineza at RK Bagatsing, malay natin baka naman makahakot ito ng manonood sa showing nito sa February 26.

vuukle comment

ETHEL ESPRITU

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with