^
Pepe at Pilar ang bilis lumaki!
Pepe and Pilar

Pepe at Pilar ang bilis lumaki!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Imagine Salve, one year old na pala sina Pepe and Pilar, ang kambal nina Korina Sanchez at Mar Roxas.

Ang bilis talaga ng panahon, nung nasa bahay tayo nila Mama Koring sa Araneta - Bahay na Puti -  sanggol pa lang ang dalawa. Ngayon bago pa tayo mabigla, makikita na nating lumalakad at lumalaki na sina Pepe and Pilar.

Nakakatuwa naman ang generation nila Scarlet, Talitha, Zia at Ziggy, and now Pepe and Pilar ‘pag lumaki na sila.

Imagine, ang gagandang mga bata, mga bibo, na mga bata pa celebrity na, hayy parang alam mo na at nakikita mo ang mga future superstar.

Happy birthday, Pepe and Pilar.

Jennylyn at Dennis HINDI na makontrol ng mga manager?

Kagabi pala ang concert nila Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na CoLove. Nanood kaya si Popoy Caritativo na manager ni Dennis at magkatabi sila ni Katrina Aguila na manager ni Jennylyn? Hah hah joke joke. Kasi nga ang gandang tingnan na may collab ang dalawang talent na may magkaibang manager na ‘yung tipong nagtutulungan para sa kanilang alaga.

Alam mo naman na ang manager, hindi lang professional ang turing sa mga alaga nila nandun din iyon personal na para sila na ang nanay o kapatid ng hawak nilang talent. Kaya kung minsan dahil sa sobrang pagpo-protect mo sa alaga mo nagkakaroon ng issue na over acting o pagiging possesive at kung minsan sinasaklaw mo na iyon karapatan ng alaga mo nang hindi mo namamalayan. Ang number one na problema diyan ay pag puso na ang nagdikta. Iyon bang may mangyayari nang clashes sa decision dahil nakikialam na ang BF o GF at diyan nag-uumpisa ang issues. Pero pag magiging practical ka, tatanggapin mo na lang dahil sa pag-ibig, tabi muna ang pagiging manager mo, hah hah. ‘Di ba Perry Lansigan.

Kaya kung nanood si Popoy kagabi, sure ako masaya siya for Dennis, at happy si Katrina na ibig sabihin ay all is well between her and Popoy just like Jennylyn and Dennis. Love love love. 

Happy birthday nga pala Kris Aquino and Jinggoy Estrada.

Isingit ba... Hah hah pagbigyan n’yo na ako.

Mga Pinoy, malakas ang resistensya sa virus

Naku ha, sa gitna ng coronavirus scare, hindi nagpaawat ang concert nina Jennylyn at Dennis, Sarah Geronimo at Regine Velasquez na totoong sold-out daw ang dalawang araw nila sa Araneta. Bongga rin daw ang ticket sales ng concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Sabi-sabi na sa rami ng concerts, para naman daw walang takot ang mga concertgoer sa Covid-19, hala lang, hindi napigilan ang Valentine’s at paghanga sa mga singer na iniidolo nila.

Pati raw pa-concert ni Annabelle Rama, sold-out din at dun na nag-date sina Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado, dahil nga guest singer si Lani kaya saan pa pupunta si Bong kung hindi manood sa asawa.

Tama nga si Papa Digong (Presidente Rodrigo Duterte), malakas ang resistance nating mga Pilipino sa sakit kaya hayun, takot ang buong mundo sa virus, pero okay pa rin tayo, watch pa rin ng mga concert. Hahaha.

KORINA SANCHEZ MAR ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with