Robin
Robin nanghingi ng tawad sa pambibira sa mga network, nadala lang daw sa emosyon ng pagiging ex convict
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Speaking of Valentine pa rin, kakaiba naman ang gift ni Robin Padilla sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Nag-apologize siya sa ABS-CBN, GMA 7 at TV5 at nanghingi ng tawad matapos niyang hamunin na maglabas ang mga ito ng kontrata para magkaalaman na kung sino ang kumikita ng malalaki. Kasama pa sa patutsada niya ang tungkol sa tamang oras ng trabaho at kung paano ang trato sa mas maliit na manggagawa.

Binura naman niya ang nasabing post at kahapon nga ay nanghingi na siya ng pansensiya at umamin na nadala lang siya ng kanyang emosyon ng pagiging ex-convict.

“Praise be to God! Pabida daw ako sabi ng netizen pasensya na po kayo ilang dekada rin po ako na nagbida sa maraming pelikula at teleserye katunayan ako po ay pinalad na maranasan ang golden era ng movies at television when monopoly is still not the language but passion and expression when making movies and shows are like paintings not factory made masuwerte ako na inabutan ko ang mga katulad ni Fernando Poe Jr at Rudy Fernandez mga artistang naging boses ng manggagawa sa sining hindi nga lang maisabatas ang mga negosasyon dahil laging nasa awa lamang ng mga producer nakasalalay maisakatuparan ang napagkasunduan kayat napakapalad ng mga bida sa oras na ito dahil bumagsak sa harapan nila ang usapin at isyu ng abscbn isang pagkakataon ito na hindi naibigay sa mga hari ng pelikulang pilipino isang ilaw ito sa isang napakadilim na mundo ng showbizness 70 percent ng workers sa movie industry are living in poverty at sila yun mga nasa ground and almost 90 percent ng lead actors and actresses character actors and actresses die in poverty and shame some are exploited to gain mercy and financial assistance The King himself Eddie Garcia died in vain and in pain while performing his duty as an actor ... as a gift to my wife this valentines day I apologize to all her family and friends in abscbn ganon din sa gma at tv5 patawarin niyo ako the ex convict in me overtook my emotions inaamin ko ang aking pagiging mapusok i could have said my piece in a spiritual way ‘Lets give the profit of our labor to our employers but our voices to the laborers’ @marieltpadilla.”

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with