Male personality na naghigpit sa datung, puwedeng hindi na mag-artista sa laki nang naipon
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Nagbunga nang positibo ang pagiging mahusay sa paghawak ng pananalapi ng isang kilalang male personality. Pagda­ting sa mga kapritso ng kanyang misis at mga anak ay talagang mahigpit ang kilalang aktor.

 Bago niya mapagbigyan ang hinihiling ng kanyang mga anak ay kailangan munang magpaliwanag sa kanya ng mga ito. Ano ba ang importansiya ng kanilang ipinabibili?

Natatawang kuwento ng isang source na alam na alam ang kahusayan sa paghawak ng pera ng male persona­lity, “Parang dadaan muna sa Congress at saka sa Senado ang issue ng pagpapabili sa kanya ng something ng mga anak niya!

?“Parang ganu’n talaga! Dapat i-explain ng mga anak niya kung bakit kailangang bigyan sila ng pera na pambiling gusto nila. Kapag okey naman, nagbibigay ang daddy nila!

?“Pero kapag granatsa lang talaga ‘yun na hindi naman pakikinabangan ng mga anak niya, e, sorry na lang, talagang sarado ang bulsa niya!

“E, hindi naman puwedeng bigyan ng wife niya ng allowance ang mga anak nila, bawal ‘yun sa male personality, magkakaroon sila ng argumento,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

?Sa kaiipon-kaiipon ng male personality ay nagulat na lang ang kanyang misis, ganu’n na pala kalaki ang kanilang pera, milyun-milyon na pala ang naitatago ng kanyang mister.

?Patuloy ng aming source, “Na-shock talaga ang wife niya nu’ng ipakita na ng male personality ang naiipon niyang amount. Puwede na pala silang hindi mag-artista!

?“Puwede na pala silang mag-business lang at tumigil sa trabaho nila dahil pati ang future ng mga anak nila, e, nakaayos na! Hindi biro ang nakitang amount ng wife niya!

?“Pero mabait sa kanilang mga relatives ang male personality, tumutulong siya sa mga talagang nangangailangan, hindi lang siya nagbibilang ng mga blessings nila, nagsi-share din siya!

“Gusto niyang maging living example sa mga anak nila, hindi nila kailangang pagdamutan ang kanilang mga sarili pero kailangang justified ang pupuntahan ng pinaghihirapan niyang kitaing pera!

 ?“Napakasuwerte sa kanya nu’ng magandang female personality, napakahusay humawak ng pera ang husband niya, hindi na sila magugutom forever!

?“Nasa bandang unahan ng alphabet ang name ng female personality, nasa kadulu-duluhan naman ang initial ng name ng lalaking personality. Alam na this!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Pelikula nina Alden at Kathryn ibinalik sa mga sinehan!

Sabit lang ang tawag kay Alden Richards ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi kasi nila matanggap na nakaka-1.3 billion na ang Hello, Love, Goodbye.

?Para sa mga nagpakilalang fans nina Daniel at Kathryn ay ang dalagang aktres lang naman ang naging dahilan kung bakit naging blockbuster ang pelikula nila ni Alden.

?Siguradong mas magsisintir ang mga KathNiel fans dahil kahapon at ngayon ay muling ipalalabas sa mga piling Ayala theatres ang Hello, Love, Goodbye. Ibig sabihi’y malaki pa ang halagang madadagdag sa kabuuang kinita ng pelikula.

Huwag naman sanang magpakakitid ng isip ang ibang tagahanga nina Daniel at Kathryn, kumita ang HLG dahil sa tambalan, tinanggap ‘yun ng publiko at hindi ‘yun makukuwestiyon ninuman.

?Ang pinakamaganda nilang magagawa ay ang suportahan nang isandaang porsiyento ang After Forever, ang bagong pelikula ng KathNiel, para malampasan nu’n ang ipinakitang gilas sa takilya ng Hello, Love, Goodbye.

Doble kasi ang suntok sa kanila ng matagumpay na pelikula nina Alden at Kathryn. Nilampasan nu’n ang The How’s Of Us, tinanghal na highest grossing film of all time ang Hello, Love, Goodbye, ang sakit-sakit nga naman nu’n.

Huwag tawaging sabit lang si Alden Richards, napakalaki ng kanyang naiambag para sa tagumpay ng pelikula nila ni Kathryn, minahal ng manonood ang kanilang tambalan.

 ?‘Yun lang ‘yun at walang kahit sinong makakokontra sa katotohanang ‘yun!

ALDEN KATHRYN BERNARDO MALE PERSONALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with