Mother Lily
Regal walang planong sumuko sa pagpo-produce
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Hanga talaga ako sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde dahil talagang tuluy-tuloy ang paggawa nila ng pelikula at walang planong sumuko.

Ang Us Again nina RK Bagatsing at Jane Oineza na sabi nila ay maganda ang trailer at malapit nang ipalabas ang latest project ng mag-ina. Sayang nga lang at hindi ako nakapunta sa presscon noong isang araw, hindi ko tuloy naka-chika si Mother.

Ang pagiging driven nila Mother Lily at Roselle kahit pa nga hindi maganda ang resulta sa takilya ng mga pelikulang ipina­lalabas lately ang siyang nagbibigay ng dagdag-buhay sa showbiz.

Ngayon na kokonti na lang ang mga pelikula, tuloy-tuloy pa rin ang Regal sa paggawa kaya nagbibigay pag-asa pa rin sa mga taga-showbiz.

Ang Regal ang isa sa major producer ng pelikulang Tagalog kaya hindi nawawalan ng pag-asa ang lahat kahit na may ibang nagsasabi na lugmok ang ating industriya.

Us Again na sabi nila ay isang magandang romantic movie starring RK Bagatsing at Jane Oineza, watch natin. Gawin nating box office.

Toby mas busy nang maging mayor uli

Naku ha mas busy pa yata si papa Toby Tiang­co ngayong Mayor na uli siya ng Navotas kesa noong Congressman pa siya. Kung sabagay, pag mayor kasi, araw-araw talaga ang trabaho at araw-araw ang contact mo sa tao. Kaya siguro parang pahinga na lang niya ang manood ng fight ni champ Manny Pacquiao dahil siya ang lucky charm nito.

Talagang naging close friends sila mula sa congress, nung congressman pa lang si Senator Manny Pacquiao.

Isa pang nakikita ko na bff ni Papa Toby ay si Senator Nancy Binay kaya nga nakakatuwa na pareho silang dedicated sa kanilang trabaho.

Pero si Papa Toby ang focus lang talaga ay Navotas. Gustung-gusto niya talagang makita na nasa top city ang Navotas kaya nandun ang vision niya.

I love Papa Toby kasi isa siya sa pinaka-mabait na pulitiko na kilala ko. Hindi mayabang, hindi maepal, hindi know it all. Talagang sincere siya kaya naman walang intriga. I cannot imagine Navotas na wala ang mga Tiangco. Go go Papa Toby.

Willie umpisa na tuwing sabado

Bongga ang Wowowin ni Willie Revillame. Confirmed na confirmed na mapapanood na rin ang prog­rama niya tuwing Sabado.

At ang pinaka-bongga, mas malaki na raw ang ipamimigay na premyo nila simula ngayong araw.

Kaya naman todo pasasalamat si Willie sa GMA 7 at sa fans na talagang pumipila para mapanood ang programa niya.

“Anim na araw na pong magpapasaya ang Wowowin. Anim na araw na pong magbibigay ng saya, pag-asa, ligaya, at pinaka-importante, yung pagmamahal natin sa ating kapwa. Everyday po yan,” sabi ni Willie.

At ito mapapanood na uli pala ang The Will To Win segment na puwedeng sumali kahit sino basta may talent, walang age limit na puwedeng manalo ng P2 million, brand new car at house and lot.

Naku ako kaya kelan paliligayahin ni Willie.

Hindi ko pa rin natatanggap ang Christmas gift niya ha. Hahaha.

Don’t miss Wowowin, Mondays to Fridays, 5:00pm and Wowowin Primetime every Saturday, 7:00pm on GMA-7.

MOTHER LILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with