After Forever ng KathNieL matindi ang pressure dahil sa HLG!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

Naghasik ng kanegahan ang ilang KathNiel fans nang in-announce ng bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang napili bilang Phenomenal Stars of Philippine Cinema sa 51st Box Office Entertainment Awards.

Dagdag pa nung nakaraang Linggo sa 4th Film Ambassadors Night ng FDCP na ginanap sa Maybank Theater, BGC, inihayag ni direk Cathy Garcia-Molina na isa sa pinarangalan ng Camera Obscura na umabot na ng 1.3B ang worldwide gross ng Hello, Love, Goodbye.

Nilagpasan na nito ang The Hows of Us. Kaya ito na ngang HLG nina Alden at Kathryn ang highest-grossing Filipino film.

Dito nagsimulang laitin sa Twitter ng ilang grupo ng KathNiel fans si Alden.

Tinawag siyang ‘sabit’ lang, dahil naniniwala silang si Kathryn lang talaga ang nagdala kay Alden pataas dahil sa pelikulang ito.

Ayaw maniwala ng ilang KathNiel fans dahil para sa kanila ang THOU pa rin ang highest-grossing film.

Bakit naman gagawin iyun ng taga-Star?

Mabuti na lang at hindi na sila pinapatulan ni Alden at hindi na ito pinalaki ng karamihang KathNIel fans, kaya hindi naman nag-trending sa Twitter.

Dahil sa lakas ng Hello, Love, Goodbye, tiyak na matsa-challenge ang Kath­Niel fans kapag ipalabas na ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn na After Forever.

Cristine walang paki sa Araw ng mga Puso

Habang aligaga ang ilang couples sa Valentine’s Day, si Cristine Reyes naman ay deadma na. Kasagsagan na rin kasi ng promo ng pelikulang Untrue nila ni Xian Lim

kaya magtrabaho na lang daw siya. “Hindi ko na iniisip yun. Mas importante sa akin, kung merong trabaho o wala,” pakli ni Cristine.

Sa February 19 na kasi ang showing ng Untrue, kaya magpu-promote na lang daw siya.

Kahit si Xian ay magiging abala na rin, pero tiyak na magkasama naman daw sila ni Kim Chiu ngayong Araw ng mga Puso.

Marco ayaw ipakumpara sa kanyang ama

Sobrang proud si Isabel Rivas sa gumagandang career ng pamangkin niyang si Marco Gumabao.

Nakatsikahan namin ang aktres sa nakaraang media­con ng Bilangin ang Bituin sa Langit, at natutuwa siya nang napag-usapan namin si Marco.

Sabi nga namin sa kanya, parang ang ama rin nitong si Dennis Roldan ang lakas ng da­ting ni Marco dahil napaka-sexy din nito.

Umiiling si Isabel at hindi siya umaayon sa naobserbahan na­ming iyun.

Sa tingin daw niya magkaiba raw ang mag-amang Dennis at Marco.

“Hindi ko nakikita ang kapatid ko sa anak niya,” pakli ng aktres.

 “Napaka-focus ni Marco, napaka-grounded. I’m not sa­ying my brother is not like that, pero kanya-kanya sila eh,” dagdag niyang pahayag.

Kapag dumadalaw daw si Isabel kay Dennis sa kulungan, napapag-usa­pan daw nila si Marco at nakikita raw niyang sobrang proud ang kapatid niya.

Hindi naman daw nagkulang si Marco sa pagdalaw sa kanyang Papa.

Kamakailan lang ay kumpleto raw silang pamilya na nag-celebrate ng kaarawan ni Dennis sa kulungan.

Masaya naman daw si Dennis, pero nakikita niyang hindi talaga ganun kasaya ang kanyang kapatid.

KATHNIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with