_ngayon
^

PSN Showbiz

Di sinadya...24 Oras sumuporta sa mga kapamilya

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Di sinadya...24 Oras sumuporta sa mga kapamilya

Solidarity? Nope. Wala raw malisya. Hindi sinadya. Tigilan na! Wag judgmental.

Ito ang reaction ng beteranong GMA broadcaster na si Arnold Clavio sa nag-viral na photo ng 24 Oras anchors na sina Pia Arcangel, Vicky Morales, and Atom Araullo matapos i-compare ang color combination ng outfit nila sa 24 Oras the other night sa kulay ng logo ng ABS-CBN.

Si Ms Pia ay naka-red, si Ms. Vicky ay naka-green habang blue suit ang suot ni Atom. Eh ganun ang color ng logo ng Kapamilya Network na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung makakakuha ng panibagong franchise after March 2020  na  puwede naman diumano na provisional permit sa NTC. Bukod nga sa franchise, inaayos din ng ABS-CBN ang quo warranto case na inihain ni Solicitor General Jose Calida recently sa Supreme Court.

Ayon kay Igan : “Kausap ko ang stylist ni Pia, Concepcion Halili dapat ay orihinal na black ang kanyang isusuot. Pero iniiwasan ang color black sa news program at ang available na lang ay ang red blouse. Kaya #huwagjudgmental,” post ni Igan.

So hindi naman pala....

GMA BROADCASTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with