Kabisihan ni Angel sa kasal nasisingitan ng worries
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

Sa kabila ng kabisihan ni Angel Locsin sa kanyang kasal sa movie producer na si Neil Arci, nasisingitan ito ng worries and fears dahil nga sa isyung pagpapasara sa mother network niyang ABS-CBN kahit ‘di pa siya nakakapag-renew ng panibagong contract dito. Kaya naman kahapon ay may pakiusap siya na sana ay konting pang-unawa dahil maraming buhay ang nakasalalay dito.

“Isang pakiusap. ‘Think before you click’. Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc.. Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network. KAMI po ang ABS-CBN.

“Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit... lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila.

“I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito. Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. ABS-CBN team behind the set.

#NoToABSCBNShutDown”

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with