Female personality grabeng manira ng dating kapamilya!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

Galit na galit sa isang kilalang female personality ang isang dating nakarelasyon ng isang taong napakalapit sa kanya. Gustung-gusto nitong magkrus ang kanilang landas.

Ang dahilan, nu’ng karelasyon pa raw nito ang female personality na malapit sa puso ng mas nakababatang babaeng personalidad ay panay-panay ang paninira sa kanya, pero puro patalikod lang naman.

Kuwento ng aming source, “Tapos na ang relasyon nila nu’ng kilalang female personality, matagal din silang nag-live-in, nu’ng mga panahong ‘yun, e, nakararating sa kanya kung paano siya sira-siraan nang talikuran ni female personality.

“Matapang lang daw naman ang babaeng ‘yun kapag hindi niya kaharap ang sinisiraan niya, pero kapag nagkikita naman sila, e, parang maamong tupa!

“Umiiwas pa nga raw ‘yung female personality kapag alam na nasa paligid lang siya, kaya ‘yun ba ang matapang, takot na takot sa harap-harapang laban?” unang kuwento ng aming impormante.

Kontrobersiyal ngayon ang mas nakababatang female personality, ang kalaban niya ngayon ay ang mommy ng dati niyang karelasyon, kaya muling nabuhay ang galit sa kanya ng ex ng taong malapit sa kanyang buhay.

Balik-kuwento ng aming source, “Nabalitaan kasi ng ex ng relative niya ang mga sinabi niya against du’n sa mommy ng ex niya. Natural, nabuhay ang galit niya sa girl!

“Ang sabi niya, e, wala raw talagang utang na loob ang babaeng ‘yun, dahil ‘yung mga tao nga mismong nagpala sa kanya, e, ni hindi man lang niya pinahahalagahan! Sinisiraan din daw niya ang mga taong nagmahal sa kanya!

“Eksaktong sabi ng ex ng relative niya, ‘Nasaan ba sila nu’ng mga panahong down na down ang ex ko? May isa man lang ba sa kanilang nakatulong? Lalo na ang babaeng ‘yun! Walang alam ‘yun kundi ang manira!’

“Naku, gustung-gusto niyang magkita sila nu’ng mas batang female perso­nality! Gusto niyang talakan talaga ang girl!

“Baka nagtataka ang iba kung bakit niya tatalakan ang female personality, gawain ba ‘yun ng isang lalaki? Hindi siya lalaki, member siya ng LGBTQ, tivoli ang ex ng taong hindi kasundo ngayon ng female personality!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

TV host nakikiramdam pa kung kanino kakampi

May mga nang-uusisa kung bakit wala silang naririnig na anumang komento mula sa isang TV host sa tindi na ng kaguluhang nagaganap sa istasyong pinaglilingkuran niya.

Nagsasalita na ang maraming personalidad ng istasyon, pero tahimik na tahimik pa rin ang TV host, anyare?

Isang source ang nagkomento, “Naku, hindi ‘yun magsasalita! Nakikiramdam muna siya kung kaninong barko ang unang lulubog! Sigurista ‘yun!

“Kumbaga sa pulitiko, e, political butterfly siya, kung saan siya makikinabang, du’n siya! Kung gaano kadulas ang dila ng TV host na ‘yun sa pagsasalita, e, ‘yun naman ang pagkakatali ng dila niya sa mga ganyang scenario!

“Magsasalita lang siya kapag may malinaw nang resulta ang labanan! Papabor siya sa mananalo! Para siyang langgam! Kung saan nandu’n ang asukal, e, du’n mo rin siya makikita!” madiing komento ng isang source.

Oooohhhh....!

Dingdong mas may balls kesa sa mga ibang Kapamilya

Mabuti pa si Dingdong Dantes at buhay na buhay ang balls. Wala siyang pakialam kung anuman ang maging komento tungkol sa kanya sa makabuluhan niyang paninindigan tungkol sa pagpapasarado ng ABS-CBN.

Nasa kabilang bakuran siya, na direktang kalaban kung tutuusin ng pinag-iinitang network, pero napakaganda ang kanyang posisyon.

Para sa mayorya ang kanyang malasakit, ang mga nagtatrabaho sa ABS-CBN na mawawalan ng hanapbuhay, kaya ang kanyang hiling ay dumaan sana sa maayos na proseso ang problema ng network.

Wala siyang diretsong ipinahayag, pero sa pagitan ng kanyang mga salita ay malinaw ang kanyang hiling, ang busisiin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang estado ng network kung mabibigyan ba ng prangkisa o hindi.

Kasalu-saludo ang paninindigan ni Dingdong Dantes. Nasa kabilang ibayo siya ng ABS-CBN dahil kontratadong artista siya ng GMA-7, pero ang mabuti niyang puso ang umiiral, iisang malaking payong nga lang naman ang pinagsusukuban ng lahat ng mga istasyon sa ating bayan.

Hindi nga lang naman ang kanyang sikmura ang nagugutom, lahat ng bituka ay kumakalam, kaya paano na ang libu-libong empleyado at manggagawa ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kapag ipinasarado na ang istasyon?

Pakamay nang mahigpit sa isang tulad ni Dingdong Dantes na sabay na ginagamit ang utak at puso sa pakikipaglaban.

DINGDONG DANTES FEMALE PERSONALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with