Mayor Joy mas paliliwanagin ang QC
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2020 - 12:00am

Maganda ang plano ni Mayor Joy Belmonte na dagdagan ang mga ilaw sa kalye ng Que­zon City, Salve. Of course kapag maliwanag ang paligid matatakot nang may gumawa ng krimen.

Saka ngayon na dahil sa mga call center at mga tindahan na 24 hours na bukas, marami pa rin ang naglalakad sa kalye kahit gabi.

 Iba talaga pag babae ang mayor mo, tulad nina Abby Binay, Lani Mercado, Andeng Ynares at Marissa Andaya dahil medyo nandun ang motherly touch, andun ang pagtingin mo sa nasasakupan mo na parang pamilya.

 Tingnan mo at naisip ni Mayor Joy na mas safe para sa lahat na mailawan iyon mga madilim na parte ng Quezon City, na ang ilagay na tanim sa island sa may city hall ay bouganvilla na siya palang reason kaya mas mababa ang pollution sa Singapore at Japan dahil iyon ang tanim na tumutulong at anti pollution at iyon pang pinturahan ang facade ng city hall na dati ang dumi. 

Go mayor Joy, love ko Quezon City, kaya sure ako na mas pagagandahin mo at payayamanin. Go for the gold Mayor Joy Belmonte. 

Take It… hanggang pagtanda!

Bongga ang Take It... Per Minute! (Me Ganun) Salve ha. Isang oras lang tayo, from 12 to 1 ng hapon tuwing Martes pero sa apat na linggo ng February, anniversary natin, hahaha.

Siguro nga, na-under estimate ko ang programa natin at hindi ko akalain aabutin ng isang taon eh binibiru-biro lang namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu. Dumaan ang mga buwan at heto, one-year na pala. Kaya nga paano pa kami makaka-get over kina Japs Gersin at Bb. Tina Roa na lagi namin hahanapin ni Mr. Fu pati na si Ri­chie at PJ pag nawala ang Take It... Per Minute! (Me Ganun). Kaya dapat Salve, umabot tayo ng mahaba pang taon, kahit uugod-ugod na fun day pa rin ang Tuesday, from 12 to 1 ng hapon, promise mo iyan ha Papa Miguel Belmonte, thank you po. 

Alden hindi pa kayang mag-girlfriend 

Alam mo kung ako ang girlfriend ni Alden Richards, magseselos ako lagi. Imagine mo, lahat ng babae sinasabi na ang bait bait ni Alden, na pati si Pops Fernandez nagbiro na ikinakalat niyang bf niya ang binata dahil sobrang bait nito. 

Siyempre pag girlfriend ka ayaw mo na mabait sa lahat boyfriend mo noh. 

Tapos, grabe pa ang trabaho, kaliwa’t kanan talagang walang pahinga. Sobra driven at focus, kaya naman puwede mo sabihin na among youngstars si Alden na siguro ang pinakamayaman. 

At mahusay ang business acumen niya, maganda ang mga investment niya. Walang bisyo kaya siguro madali siyang nakapag-ipon. Ito ang magandang example ng isang artista na hindi nasayang ang pagod sa trabaho dahil nakikita niya ang bunga ng kanyang pagod. Naku imagine mo Salve, pag girlfriend ka ni Alden, ang dami mong kalabang kapwa babae, tapos kalaban mo pa oras, ano ba iyan? Kaya hindi kataka-taka, the most precious bachelor si Alden, prized catch talaga.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with