^

PSN Showbiz

Away ng dalawang magkadugo may koneksIyon sa mana!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking okasyon na katatapos lang ay hindi naiwasang maging paksa ng magkakasama sa mesa ang nagaganap na matin­ding problema ngayon sa pagitan ng dalawang pamosong babaeng personalidad.

Okey lang daw sana kung hindi sila magkaanu-ano, walang masyadong dating ‘yun sa publiko, pero magkadugo ang mga nagkakatampuhang babaeng personalidad.

Natural lang na may kani-kanyang opinyon ang magkakaumpukan, wala silang kinakampihan, tinitingnan nila kung nakanino ang problema.

May isang source na naglabas ng isang rebelasyon. Hindi nito tiyak kung gaano katotoo ang nakarating na impormasyon sa kanya pero ‘yun diumano ang isa sa mga dahilan kung bakit mainit ang mas nakatatandang female personality sa mas nakababatang aktres.

Kuwento ng aming source, “Parang ang nakarating na info sa kanya, e, tungkol sa mana ang isa sa mga problema nila. Mas malaki raw kasi ang minana ng younger female personality nu’ng mawala ang isang member ng family nila!

“Natural, malalaman ‘yun ng isa, kaya parang hindi niya nagustuhan ang scenario. ‘Yun daw ang naging puhunan sa pagbi-business nu’ng younger female personality,” unang kuwento.

May nagbigay naman ng kredito sa mas nakababatang personalidad, siya raw kasi ang nag-alaga sa taong pumanaw, kaya sa kanya napunta ang mas malaking bahagi ng pamana nito.

Patuloy ng aming source, “E, totoo namang ‘yung younger personality ang nag-alaga nu’ng maysakit ang nawalang member ng family nila, di ba?

“Natural, may premyo siya, natural lang na bibigyan ng importance ang mga pagsasakripisyo niya! Pero mas naniniwala ako na hindi ‘yun ang problema, mas malalim pa kesa du’n!

“Hindi naman kawalan du’n sa older personality ‘yun, napakayaman na niya, hindi na niya kailangan pa ng ganu’n kalaking pamana.

“Mas personal kesa du’n ang problema nila. Hindi nila pag-aawayan ang pera, sa totoo lang,” sabi ng ikalawang impormante.

Biglang napasigaw ang isang kasama sa grupo, ang reaksiyon nito, “Naku, hindi kaya ‘yun ang sinasabi ng older personality na ninakaw sa kanya?

“Naisip ko lang, kasi, matindi ang galit niya, may nagnakaw daw sa kanya na hindi niya kaibigan, hindi niya katrabaho, kundi malapit sa kanya!

“Puwedeng maling-mali ako, pero hindi ba, nakakapag-isip ‘yung ganu’ng sinasabi nu’ng mas nakatatandang personality?” opinyon ng source.

Ubos!

Vice Ganda na-‘weather-weather na ang career

‘Yung litanyang weather-weather lang ay parang gumagana ngayon sa career ni Vice Ganda. Mahigit na pitong taon na siyang namamayagpag sa pelikula at telebisyon pero mukhang papunta na sa pagbaba ang kanyang popularidad ngayon.

Hindi siya nanguna sa nakaraang MMFF (Metro Manila Film Festival), hanggang sa February 23 na lang ang kanyang Gandang Gabi, Vice, dumag­dag pa ang kawalan ng kanyang pangalan sa mga pararangalan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na ilang taon niyang hinawakan.

Puwedeng nagkataon lang, pero puwede rin namang may umay factor na ang publiko sa kanyang pagkokomedya, dahil kung bentang-benta pa rin ang kanyang istilo ay siya pa rin sana ang nanguna sa MMFF.

Nangyayari talaga ang ganu’n sa kasaysayan ng popularidad ng mga artista. Sino ba ang mag-aakala na ang matin­ding kasikatan nu’n ni Nora Aunor na nagsasarado ang mga sinehan kapag ipinalalabas ang mga pelikula nito ay hindi na nauulit ngayon?

May mga proyekto pa rin ang Superstar, pero iba na ang nangyayari, suwertihan na lang ang pagkita ng kanyang mga pelikula.

Walang panghabambuhay na popularidad, walang forever, ang pinakamagandang pagkukum­para du’n ay ang maghapong pagsikat ng araw na pagdating nang gabi ay nagtatago na sa ulap.

Pero may bukas pa rin, sisikat uli ang araw pagkatapos nang magdamagang pamamahinga, ang tanong na lang ay kung anong uri ng pagsikat?

Matindi pa rin ba? Nakapapaso pa rin ba ang ibini­bigay na init? O baka makulimlim na ang kapaligiran dahil dinadaig na ng lamig ang kanyang init?

Nasa personal na pagtanggap lang naman ‘yun, kailangang nakahanda ang artista na isang araw ay kakaway pa rin siya, pero pagkaway na ng pamamaa­lam sa dating ningning ng kanyang pangalan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with