^

PSN Showbiz

Bagong patakaran sa trabaho sa showbiz, pinakikiusap ni chair liza na sundin

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Medyo emotional ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño nang magbigay ng opening remarks sa ginanap sa Film Ambassador’s Night sa Maybank Theater, BGC nung nakaraang Linggo ng gabi.

Isa sa mga in-announce niya ay ang joint memorandum circular ng Department of Labor and Employment at FDCP, na kung saan nagkaroon na ng guidelines na susundin ng mga producer para sa proteksyon ng mga audio-visual workers.

Sinabi niyang halos tatlong taon din daw nila itong trinabaho, pagkatapos ng mga consultative meetings sa mga producer, iba’t ibang grupo sa industry at mga film workers.

Kaya humihingi siya ng suporta sa lahat para sa malaking pagbabagong ito sa industriya.

Medyo gumaralgal na ang boses nito sa sinabi niyang; “I would like to take this opportunity to ask for the support of the entire film industry to please support us.

“It’s one thing to create a stan­dard. It’s one thing to make these guidelines. Pero kung hindi po natin ito susuportahan, at hindi po natin ito bibigyan ng pagpapaha­laga, ano na po ang mangyayari sa ating industriya?”

Humingi siya ng sorry nang naluluha na siya habang sinasabi niya ito.

Pero sabi pa niya; “They’ve given their share. They’ve given so much more than themselves.

“They live, because they love this industry and the only way for this to work is to enjoin our production companies, our producers, lahat po na bumubuo sa industriyang ito para mapanga­lagaan po natin ang ating mga manggagawa.”

Nabanggit na rin sa amin ni Liza na nagsisimula na raw siyang nakipag-meeting sa mga producer para masimulan nang sundin ang guidelines na ito.

Next week ay nakatakda siyang makipag-usap sa ABS-CBN, at kahit ang GMA 7 ay very cooperative naman daw sa kanila.

Medyo naaalangan lang daw ang ilang producers dahil mukhang mas tataas daw ang production cost nilang ito pag nagkataon.

Dumalo naman ang halos lahat na mga honorees and awardees, lalo na ang mga nasa-A List na sina Judy Ann Santos, Maja Salvador, Ina Raymundo Maxx Eigenmann at marami pang iba.

Maja hindi atat sa kasal!

Sinamahan naman si Maja Salvador ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez para personal na tanggapin ang parangal sa kanya ng FDCP.

Nagwagi si Maja ng Best Actress nung nakaraang taon sa Asian Contents Awards sa Busan, South Korea nung dahil sa magaling niyang pagganap sa teleserye niyang Wildflower.

Kaya nagpapasalamat siya sa FDCP dahil malaking karangalan daw sa kanya na naihanay siya sa mga magagaling na artistang nagwagi rin sa ilang film festivals sa ibang bansa.

“Nakakatuwa po na naihanay ako sa mga de kalibre at magagaling na artista. Kaya, thank you sa FDCP dito sa recognition na ito dahil isang malaking karangalan po talaga ito.”

Medyo nahihiya pa si Rambo na humarap sa media at movie press habang ini-interview si Maja. Pero tinawag siya ng Kapamilya actress para sagutin ang ilang katanungan ng press.

Ayaw daw niya sanang sumama dahil nahihiya raw siyang humarap sa mga showbiz functions, pero pinilit siya ni Maja dahil araw naman daw nilang dalawa iyun.

Hindi naman daw sila napi-pressure sa ibang stars na engaged na, ang iba kasal na. Basta kung sakaling  may plano na raw sila, hindi naman daw nila ito itatago.

“Basta magiging updated kayo. Huwag muna ngayon.

“Siyempre, hindi naman kami bagets, may napapag-usapan na. Pero hindi kami atat,” pakli ni Maja.

Kahit marami namang showbiz friends si Rambo, hindi pa rin siya sanay sa mga intrigahan at mabuti na lang hindi naman daw sila gaanong naba-bash ng fans, dahil karamihan naman ay boto sa kanilang relasyon.

“Siguro, focus lang sa positive side and I guess…we’re just being ourselves and enjoying the moment that’s why they appreciate it,” pahayag naman ni Rambo.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with