^
Oscars nominees mahigit P11 miyon ang tatanggaping giveways

Oscars nominees mahigit P11 miyon ang tatanggaping giveways

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2020 - 12:00am

Bukod sa prestige na ma-nominate sa Oscars, overwhelming din ang gift bag na natatanggap ng nominees. Worth more than $225,000 (P11,463,750.00) ayon sa report ng Reuters for this year.

Ang nasabing swag bag ay may kasamang cruise on a luxury yacht, cosmetic surgery and personal matchmaking service. ‘Yup ganun ka-bongga ang gift bag na hindi pala associated sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

May ibang grupo palang namamahala rito.  “It’s the highest value we’ve ever put together,” ayon sa Distinctive Assets founder Lash Fary, na siyang namamahala sa ipinamimigay na bag sa loob ng 18 years ayon pa sa story ng Reuters.

Bukod doon meron din daw ditong kasamang mga damit, gadgets at gold plated vape pen. “This is an acknowledgment of an amazing performance that they put in and, for many of them, a lifetime of amazing performances. So, you’re never too rich or famous to outgrow gratitude,” sabi pa nito sa interview.

Ayon pa sa company na in charge sa swag bag, personal nila itong dini-deliver sa lahat ng nominees bago pa man ganapin ang Oscars

Bukod sa mga Hollywood superstar na nominado sa major categories, isa sa tatanggap  ng swag bag ay ang nasa likod ng Korean film na Parasite na nominated for Best Picture, ang director nitong si Bong Joon-ho na nominado for Best Director and Best original screenplay.

Gaganapin ang Oscars sa Dolby Theatre in Hollywood on Feb. 9, Sunday sa Amerika, (February 10 sa Philippine Time).

Lumalabas sa maraming Oscars predictions na malakas ang laban ng Korean movie sa war movie na 1917.

Asahang tututukan ang Oscars 2020 sa mga live streaming site since hindi ito mapapanood ng live sa cable channel dahil sa sobrang mahal daw ng charge ng provider.

Sam Smith, Kelly Clarkson napa-wow sa blind pinoy singer

Trending ang reaction ng award winning singer na si Sam Smith sa viral video ng 2017 contes­tant sa Tawag Ng Tanghalan  na si Carlmalone Montecido from Bacolod.

Kinanta ni Carl sa isang mall ang 2017 hit ni Sam Smith na Too Good At Goodbyes sa Karaoke promo. “WHO IS THIS KID!!!!!? YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE WHOEVER YOU ARE?” tweet ng English singer na humamig ng libo-libong retweet, comments, and likes.

Maging ang isa pang international singer na si Kelly Clarkson ay napa-comment sa nasabing video. “This video has been going around my team as well! This kid is insane!!,” reaction ng American Idol Judge na si Kelly sa viral video na may 5 million views na.

Bulag si Carl at isasali raw ito ngayon sa gaganaping World Championship of Performing Arts (WCOPA) in Anaheim, California on July 24.

Dahil dito, malamang na magka-career sa abroad si Carl o kaya ay maging guest din siya sa show ni Ellen Degeneres.

Iba na talaga ang power ng social media ngayon.

KELLY CLARKSON OSCARS SAM SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with