^

PSN Showbiz

Guwapo at machong aktor hindi tinatantanan ang kasarian dahil sa mga pinaggagagawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Guwapo at machong aktor hindi tinatantanan ang kasarian dahil sa mga pinaggagagawa
Regine

Ang guwapo-guwapo niya, nagmumura ang kanyang mga abs, pero maraming nagtataka kung bakit hindi makawala ang isang kilalang male personality sa bilangguan ng pagdududa sa kanyang kasarian.

Bakit palagi siyang bumibida sa mga blind items, bakit may mga bulung-bulungan sa kahit saan na kuwestiyonable talaga ang kanyang gender, sino ba ang pinanggagalingan ng mga ganu’ng kuwento?

“Siya mismo!” napakadiing sagot ng isang beki. ‘Yun kasi ang kanilang paksa sa umpukan, kung bakit palaging pinagdududahan ang kasarian ng guwapong male personality, takang-taka ang mga miron sa umpukan.

Nasa high school pa lang kuno ang male personality ay “Neneng” na ang tawag sa kanya ng mga nambu-bully, kilos-babae raw kasi siya, palabarkada pa sa mga kalalakihan.

Kuwento ng aming source, “Kung kumikilos ba naman siya nang ayon sa kanyang gender, e, di sana, walang mga ganyang kuwento tungkol sa kanya?

“Nu’ng one time na nag-shopping sila ng mga co-stars niya sa ibang bansa, ano ang una niyang pinasok na shop? Tindahan ng mga make-up! O, di agad nang nag-apiran ang mga kasamahan niyang artista?

“Kung ‘yun ba naman, e, inuna muna niyang pinasok ang shoe store, di wala sanang ganu’ng pagdududa ang mga kasamahan niya? Kaso, make-up store agad ang inuna niya,” throwback kuwento ng ­aming impormante.

Siya rin ang male persona­lity na iniuugnay ng mga impormante sa isang beki personality na naging kontrobersiyal tungkol sa usapin ng kasong pananalapi. ‘Yun diumano ang dahilan kung bakit kamping-kampi ang male personality sa beki sa halip na sa isang popular na female personality.

“Siya ang mystery guy na sinasabi. Siya ang madalas na kasama sa ibang bansa nu’ng beki. Alam na alam ‘yun ng girl at ng mga staff niya!

“So, paano? Paano siya makaiiwas sa mga pagdududa kung ganu’n naman ang mga pinaggagagawa niya? Paano niya mapaniniwala ang mga tao na meron siyang girlfriend kung beki naman pala ang palagi niyang kasama sa mga lakad?

“Sa kanya dapat manggaling ang reason para hindi siya pinagdududahan, hindi ibang tao! Nagagalit pa siya kapag may mga nagko-comment na ganu’n siya, sumasagot siya talaga!

“Nakikipagtaltalan siya sa social media, huwag daw siyang hinuhusgahan dahil hindi naman siya personal na kilala ng mga nagdududa sa gender niya!

“Hay, naku! E, di magdusa siya! E, di magtiis siya! E, di gamutin niya ang problema!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Hitsura ng mukha nababago sa make up Regine obvious na sa dila nagpagalaw 

Ayan, diretso nang sinabi ni Regine Velasquez na walang kahit anong bahagi ng kanyang mukha ang dumaan sa retoke, ‘yan na ang kanyang itsura mula nang ipanganak siya.

Natural, maraming hindi naniniwala, lalo na ang mga naglalabas ng mga throwback pictures niya nu’ng contestant pa lang siya sa Bagong Kampeon bilang si Chona Velasquez.

Malaki raw ang pagkakaiba ng itsura niya nu’n, hindi ganu’n kata­ngos ang kanyang ilong, marami raw ipinabago sa kanyang mukha ang Asia’s Songbird.

Magbibigay kami ng opinyon ayon sa aming nakikita, maraming beses na kasi naming nakakaharap si Regine nang wala pa siyang make-up at pagkatapos niyang magkolorete, nagbabago na ang kanyang itsura kapag nakapag-make-up na siya.

At siya mismo ang nagme-make-up sa kanyang sarili, kabisadung-kabisado na niya ang kanyang mukha kahit siguro nakapikit pa siya, at napakabilis niyang mag-make-up.

Tumatangos ang kanyang ilong dahil sa tulong ng noseline, dumidilat na ang kanyang mga mata dahil sa husay niyang magkumbinasyon ng mga kulay, nagmimilagro na ang kanyang itsura.

Naniniwala kaming hindi pa nagpaparetoke ng anumang bahagi ng kanyang mukha si Regine dahil nakikita namin siya before and after.

Ang niretoke kay Regine Velasquez ay ang kanyang dila. ‘Yun talaga ang nagkaroon nang matin­ding pagbabago. Kahit tanungin mo siya sa Pilipino ay Ingles siya kapag sumagot.

Ulit-ulitin mo man siyang tanungin sa ating lengguwahe ay talagang sasagutin ka niya sa wika ni Uncle Sam. Inglisera talaga siya.

Hirap na hirap siyang magsalita ng lengguwahe natin samantalang ipinanganak at lumaki siya sa Bulacan na taal na Tagalog ang ginagamit.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with