^

PSN Showbiz

Marissa wish na ‘wag mamatay bago mag-Valentine’s

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marissa wish na �wag mamatay bago mag-Valentine�s
Marissa

May taning na ang buhay?

Ang wish lang pala ngayon ng singer at host na si Marissa Sanchez na sana huwag daw siya mamatay bago mag-February 14.

Sa araw na iyun ang Valentine concert nila ni Eric Nicolas na pinamagatang My Fatty Valentine na gaganapin sa Km. 19 East Service Road, Sucat, Muntinlupa City.

Sold out na ang tickets at kinakarir na nila ngayon ang rehearsal para maganda lang daw ang kalalabasan ng show.

Bahagi ng mahaba niyang post sa kanyang Instagram account; “I really pray hard at ipagdasal nyo rin po ako na mairaos ko at malagpasan ko itong pinagdadaanan ko na hindi ko na po kailangang isambulat pa sa social media, araw-araw habang papalapit na ang show namin na me dumarating laging problema. Katulad po ngayon, kung kailan six days na lang, tsaka pa lumalaki lalo, kasabay ng paglaki ng katawan ko at mukha ko ang mga suliranin. It’s indeed a challenge!

“Sana wag ako mamatay bago mag-Feb 14 dahil pipilitin ko pong maging maganda at mahusay at kaaya-aya ang show na ito kasama ang napakagaling at batikang komedyante, singer at aktor na nagbigay ng concepto at title nitong show namin na si Kuya Eric Nicolas.”

Dingdong parang nag-thesis defense sa PH Army

Ngayong gabi na magsisimula ang Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun, at tuwang-tuwa sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa magandang feedback nang pinanood ito sa mediacon kamakailan lang.

Nandun pa ang ilang miyembro ng Philippine Army na pinangunahan ni Brig. General Ernesto Torres Jr. Kaya medyo nakaka-tense rin kung papasa ba sa Army, at kung tama ba ang ginawa nilang mga sundalo sa seryeng iyun.

“Para po kaming may thesis na dini-defend namin. Tapos, sila yung final na magbibigay ng grado. Parang ganun po yung pakiramdam nang sinabi niya, ‘okay pasado kayo’. Ang sarap ng pakiramdam kasi very careful kami sa ginagawa namin na ma-portray nang maayos,” bulalas ni Dingdong pagkatapos naming mapanood ang pilot episode ng DOTS.

“Sana, with this material ganundin yung maibigay natin sa mga manonood.

Bukod sa uniporme, bukod sa ginagawa nilang propesyon eh matindi talaga ang mga puso nila, lalo na pagdating sa pagmamahal at sa dedikasyon nila,” dagdag niyang pahayag.

Sen. Bong ayaw maniwalang nbsb si Sanya

Kagabi naman napanood ang first episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na kung saan tampok sina Sanya Lopez, Jeric Gonzales at Kisses Delavin na todo na ang suporta ng mga fans niya.

Naisingit pa ni Sanya sa taping ng Daig ang dumalo sa story conference ng bagong programa niyang Agimat ng Agila kasama si Sen. Bong Revilla.

Kaya excited daw siya sa pagsisimula ng 2020 dahil sunud-sunod ang mga ginagawa niya.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya masabi kung magkaka-lovelife na ba siya ngayong taon.

Parang ayaw kasi maniwala ni Sen. Bong na never pa siya nagka-boyfriend.

Pero sabi ni Sanya, sana may time na raw siya para sa lovelife niya.

“Sana po. Kasi ang tagal ko na eh. Ilang taon na ako, never pa ako nagka-boyfriend. So, malay natin.

“Feeling ko naman kapag dumating ang taong yun, kahit ano mang gawin natin nandiyan siya eh.

“Actually, hindi mo siya hahanapin, darating naman siya,” pahayag ni Sanya.

Hindi naman daw niya iniisip kung dapat non-showbiz o taga-showbiz. Basta kung sino lang daw ang magtiyagang ligawan siya. Kasi hindi naman daw siya basta-bastang mapapasagot.

“Siguro kung sino ang magtagal at kayang patunayan na mahal ka, at kaya kang pagtiyagaan, eh go tayo dun,” pakli niya.

“Hindi ko naman po minamadali, siyempre mahirap namang madaliin.

“Pero kung siya na, siya na. Pinagpi-pray ko po yun.

“Basta simple lang yung tao na mamahalin ka nang totoo, saka ano…simple lang at saka mabait lang sa pamilya,” sagot ni Sanya sa tanong namin kung sino ang tipo ng lalaking mamahalin niya.

Juancho at Joyce, ginawang  simple ang kasal!

Simple pero very solemn ang Christian wedding nina Juancho Trivino at Joyce Pring na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza kahapon ng hapon.

Ilan sa mga kilalang celebrities na tumayong ninong at ninang ay sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

Ninang din dapat si Mel Tiangco pero hindi siya nakadalo.

Isa sa taga showbiz na kasama sa secondary sponsors ay ang kaibigan ni Juancho na si Mikoy Morales.

Halos kumpleto ang mga kasamahan nila sa Unang Hirit na nakisaya sa kanilang pag iisang dibdib.

Pati ang co-stars ni Juancho sa Madrasta ay dumalo rin. Ilan sa kanila ay sina Gladys Reyes at Thea Tolentino.

Kinakantiyawan pa ni Gladys si Thea kung hindi ba niya pipigilan ang kasal, gaya ng eksenang ginawa niya sa Madrasta.

Sa isang garden sa Sta. Rosa, Laguna dapat ang venue ng wedding pero naapektuhan pala ito ng ashfall kaya inilipat na nila sa Sofitel na accessible naman sa mga taong imbitadong bisita.

Kitang-kita ang sobrang kasiyahan ng bagong kasal habang ginaganap ang seremonya. 

Huli na lang magkaalaman ang tungkol sa kanilang kasal nang mag post si Juancho sa kanyang IG account ng mensahe para kay Joyce.

Aniya: “You are my today and all of my tomorrow...see you tomorrow baby.”

Congratulations at best wishes kina Juancho at Joyce!

vuukle comment

MARISSA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with