^

PSN Showbiz

Sen. Grace pabor na kumuha muna ng provisional permit ang ABS

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Grace pabor na kumuha muna ng provisional permit ang ABS
Grace Poe

Lalong umiigting ang usapan sa renewal ng franchise ng ABS-CBN 2 dahil pumapasok na tayo sa pangalawang linggo ng Pebrero pero hindi pa nagsisimula ang Kongreso na pag-usapan ito.

Meron pang kampanya ng isang milyong lagda para simulan na ang hearing at bigyan ng franchise uli ang Kapamilya network, pero tila seryoso talaga ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi raw niya ito ibibigay.

Ano ngayon ang balak nang nasa Kongreso? Meron din kayang may magagawa ang nasa Senado?

Sinasabi naman kasi ng ibang senador na wala silang magagawa kung wala pang sinimulan ang Lower House.

Itong mainit na isyung ito ang isa sa natanong namin kay Sen. Grace Poe nang dumalo siya sa surprise birthday party para kay Lovi Poe na ginanap sa Frazzled Cook nung nakaraang linggo.

Nilinaw naman ni Sen. Poe na makapagsalita lamang daw siya para sa Senado.

“Marami akong nakausap na kasama natin, suportado naman nila. Pero siyempre isipin din mabuti ang magiging kasunduan sa franchise.

“Pero sa Senado, kahit apruban man natin yan, pag ito ay hindi gumagalaw sa Kongreso, wala ring mangyayari. Pero sa akin naman, maraming nabibigyan ng trabaho. Napatunayan naman na nakapag-serbisyo sila,” pakli ni Sen. Poe.

Dagdag niyang pahayag; “Walang perpekto. May mga pagkakamali. Lahat naman yan ay tinitimbang at mabigyan ng pagkakataon na iprisinta nila ang kanilang magiging plano kapag sila ay mabigyan ng dalawampu’t limang taon pa.

“May mga kapatid natin, mga kaibigan natin sa GMA na nakausap ko. Sila ay supportive din. Kasi sa industriya, di ba ayaw mo naman na hindi sila mabigyan ng pagkakataon ’di ba?”

Pero kung wala pang sinisimulan ang Kongreso, ano kaya ang puwedeng gawin nang nasa Senado?

“Dapat talaga nag-uumpisa sa House,” pakli niya. “But for example this is the budget deliberation…that there is a hearing simultaneously or the Senate can take the initiative to start the hearing just to get the ball rolling.”

 Pero kakayanin ba hanggang sa expiration nito sa March?

“Sa Senado, mabilis din kami mag-hearing lalo na kung nakahanda na ang mga tanong.

“Kung nag-expire na ang prangkisa at hindi pa tapos ang franchise deliberation, ang option ng ano mang prangkisa na nasuspendi muna ay humingi ng provisional permit to operate mula sa NTC.

“So ang tanong, bibigyan ba sila ni Mr. Cordova ng NTC ng permit to operate temporary provisional?

“Yun ang  ginagawa ng marami na nag-expire na pero hindi pa tapos ang prangkisa, provisional permit to operate,” malinaw na paliwanag ni Sen. Grace Poe.

Ambassador’s Night pararangalan ang mga nanalo sa abroad

Inaasahan ang star-studded na Film Ambassador’ Night mamayang gabi na gaganapin sa Maybank Theater sa BGC, Taguig.

Hindi lang mga artista na nagwagi sa film festivals abroad ang paparangalan kung hindi pati mga ibang nasa technical side.

Pangungunahan ni Judy Ann Santos na nag-best actress sa Cairo International Film Festivals ang mga artistang nagwagi rin sa iba’t-ibang international filmfests, kagaya nina Bea Alonzo, Maja Salvador, Gloria Romero, Aiko Melendez, Cesar Montano, Ogie Alcasid, Ina Raymundo, AiAi de las Alas, Maxine Eigenmann, Dante Rivero, Barbara Miguel, Soliman Cruz, Angeli Bayani, at Tirso Cruz III maging ang namayapang Eddie Garcia, Tony Mabesa at Kristofer King.

Ang mga direktor naman na paparangalan ay sina Direk Joel Lamangan, direk Chito Roño, Direk Jun Robles Lana, Atty. Joji Alonso, Direk Louie Ignacio, at Direk Raymund Ribay.

“Magandang panimula ng taon para i-gather yung buong industry to celebrate,” pahayag ni Liza Dino-Seguerra ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang nakakalungkot lang, karamihan sa mga pelikulang napansin at ang iba ay nagwagi sa mga film festival abroad, hindi naman sinusuportahan dito sa atin.

vuukle comment

ABS-CBN

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with