^

PSN Showbiz

Ivana, crush na crush si Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, crush na crush si Coco
Ivana

Noong Biyernes ay pumirma na ng exclusive contract sa ABS-CBN si Ivana Alawi. Bukod sa isang bagong teleserye ay nakatakda ring gumawa ang internet sensation ng proyekto sa Star Music at Star Cinema.

Hindi umano nagdalawang-isap ang sexy actress nang ialok sa kanya ang Ligaya na seryeng pagbibidahahan niya. “When it was given to me, I think, more of my character and more of me. Parang they want to base it on who I am. You’ll see my real self, makikita n’yo kung sino si Ivana. Very Ivana, kung ano ang nakikita n’yo sa mga videos ko, it’s going to be very similar,” nakangiting bungad ni Ivana.

Isang ganap na Kapamilya star na ang baguhang aktres kaya naman nangangarap ding makatambal ang ilang leading men sa ABS-CBN.

“Ang dami, isa lang… si Coco Martin. Ang guwapo niya, crush ko siya, matagal na. Hi! Coco,” natatawang pahayag niya.

Kahit maraming mga nakalinyang proyektong gagawin sa bakuran ng ABS-CBN ay hindi naman daw ititigil ni Ivana ang paggawa ng video blogs.

Luis, napapraning sa mga umuubo sa paligid

Sobrang linis sa kanyang sarili at maging sa bahay si Luis Manzano. Kabi-kabila ang endorsements ng TV host at mayroon pa raw siyang isang produkto na gustong ma-endorse. “Do’n ako yayaman sa sobrang dami ng tinipid ko and that is alcohol. Kasi totoo ito, slight germophobe ako so every room in my house has alcohol. Every single time grabe ako mag-alcohol. So feeling ko, mga 90% ng kinikita ko napupunta lang sa alcohol. Kaya sa mga kompanya ng alcohol, kumakatok ako sa puso ninyo para makapagtipid-tipid ako,” nakangiting pahayag ni Luis.

Kamakailan ay nag-post ang binata sa kanyang social media accounts at nakiusap sa mga tao at kasamahan na maging maayos sa tuwing uubo at hahatsing lalo na sa pampublikong lugar. “Unfortunately kasi ‘yung mga Pinoy, we still have to catch up eh pagdating sa gano’n. So I’m very, very praning. Jessy (Mendiola) knows this, my friends know this, na ‘yung uubo ka sa nook ng siko mo. Ako kasi when I cough, as much as possible, it’s a two-way thing. Please don’t do it to me. The same as I won’t do it to you. I will try my best at least. May gano’n talaga ako. Germophobe talaga ako. I’m not as bad as Howie Mandel (American TV host) because he doesn’t shake hands at all. Fist bump lang ginagawa niya kasi he’s a germophobe talaga. Ako naman wala akong problema pero pagdating sa ubo, sipon, do’n na ako medyo please naman, kasi hindi ko ‘yon gagawin sa harap mo,” paliwanag ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with