^

PSN Showbiz

Vice parang magiging Nora at Sharon na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Vice parang magiging Nora at Sharon na?!
Vice

Ilang taon na nga bang laging sinasabing si Vice Ganda ang top earner pagdating sa pelikula? Maski na roon sa isang award na ibinibigay ng isang foundation, laging winner si Vice at sinasabi ngang for the first time, wala ang kanyang pangalan sa listahan.

Kahit na ano ang sabihin ninyo, malungkot na sitwasyon ‘yan. Isang pelikula lang ang kanyang ginawa, hindi kumita as expected. Ngayon para bang nakalimutan na ang lahat ng mga naabot niya noong araw. Hindi lang kumikibo  si Vice pero huwag ninyong sabihing hindi siya naaapektuhan noong sinasabing mahina ang kanyang pelikula, ganoong sa totoo lang number two naman iyon sa box office.

Kung sa walong pelikula, number two ka at hindi naman malayo ang agwat sa top grosser, ‘di gaya ng pangatlo at pang apat na malayo na talaga, at lalo naman ‘yung apat na balolang.

Kung iisipin hindi na masama iyon. Siguro nga sobra rin kasi ang expectations kay Vice dahil dati sa kanya nagmumula ang mahigit na kalahati ng total gross ng buong festival, at sa umpisang-umpisa ng MMFF ang paniwala ay siya ang magiging top grosser. Nalusutan lang naman siya noong third day na.

Ganoon naman talaga ang showbusiness. Hindi mo malalaman kung hanggang kailan ka nasa itaas. Maraming itinuturing na big box office stars din noong araw na mababa na ang popularidad. Iisipin mo ba noong araw na bababa ang kita ng pelikula ni Nora Aunor? Iisipin mo bang ganoon lang ang magiging resulta ng mga pelikula ni Sharon Cuneta ngayon?

Ganyan lang din naman ang nangyayari ngayon kay Vice.

Ang masama nga lang, kung kailan ganyan ang sitwasyon, sumabay ding humina ang kanyang TV show kaya kailangang mag-reformat. Siya pa rin naman ang host, pero the fact na kailangang palitan ang format, parang sinabi namang wala nang epekto ang dati niyang style ng pagpapatawa.

Hindi palaaway Pilita nagmamalasakit lang sa apong si Janine

Lumaki na nang lumaki ang gulo dahil sa isang simpleng comment lang ni Janine Gu­tierrez na “oh God”, nang malaman niyang babalik sa telebisyon si Bong Revilla, Jr.

Kung kami ang tatanungin, isang simpleng comment lamang iyon na hindi naman dapat lumaki nang ganyan. Iyon ang kanyang naging initial reaction, marahil nabigla lang siya. Hindi mo rin naman alam kung nabanggit niya iyon dahil sa kasiyahan. Nabasa lang nila in “cold types” at malaki ang pagkakaiba niyan kung narinig mo at nabasa mo lang.

Nasabi ni Pilita Corrales na napagalitan niya si Janine dahil sa comment na iyon. Sinabi naman niyang apologetic si Janine noong kausap niya. Walang masama roon. Pero nang makarating kay Lotlot de Leon, ang naging dating ay “inilaglag” ni Pilita ang apo.

Aywan pero kami ay naniniwalang hindi ganoon ang intensiyon ng Asia’s Queen of Songs. Pero ayan nga, lumaki na.

Kailangan din kasing i-consider na ang interview sa digital talk na Take It... Per Minute (Me Ganun)  ay tagalog at si Pilita ay medyo kulang kung Tagalog language ang usapan. Mas sanay siya sa Spanish, Cebuano o English. Iyon kasi ang nakasa­nayan niya kaya minsan may nagagamit siyang salita na medyo alanganin ang dating, pero wala naman siyang masamang intensiyon.

Hindi naman sa kumakampi kami kahit na kanino, pero bata pa kami nang makilala namin si Pilita Corrales. Nasa isang radio station pa kami noon. Sa pagkakakilala namin, walang masamang tinapay kay Pilita, at wala talagang nakakaaway iyan.

Iyong sinabi niya kay Janine, palagay namin concern niya iyon.

 

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with