^

PSN Showbiz

Sanya, Kim at Andrea hindi mabastos!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sanya, Kim at Andrea hindi mabastos!

Mukhang taon ngayon ni Sanya Lopez hah. Tuluy-tuloy ang mga project niya at pati sa pelikula, gusto siyang kunin ni Bong Revilla, Jr.

Kasi naman very professional at magaan siyang kasama, kaya lahat ay gusto siyang katrabaho lalo na ng kanyang mga nakakasama.

Ang magugustuhan mo pa sa ugali niya, tahimik lang at hindi maingay o nang-aagaw ng atensiyon.

Silang tatlo nina Kim Domingo at Andrea Torres ay mga sexy pero hindi bastusin.

Mga sexy na hindi mo bibigyan ng malisya dahil hindi magaslaw.

Suwerte ng GMA 7 sa tatlong ito na talagang goddess sa beauty at talent.

Well, malay n’yo, 2020 ang luckiest year for them.

Sana nga.

Goodlucks girls.

Mga basher nasobrahan na ng kabobohan

Minsan talagang matatawa ka na lang Salve sa mga basher.

Kasi nga hanggang ngayon ang claim nila pag may isinulat ka na hindi nila gusto, naninira ka, pag meron ka namang isinulat na maganda, sasabihin naman nila nalagyan o binigyan ka.

Kaloka, hindi mo na talaga makuha kong bakit meron mga tao na mahina ang comprehension, hindi marunong umintindi at biased ang pananaw.

Isa sa naloka ako nang mag-post ako nang pakikiramay kay Mark Bautista dahil namatay ang father niya. Isa sa comment ng basher: magkano raw kaya ang ibinigay sa post ko?

Hahaha, naku wala akong planong magalit dahil paano ka magagalit eh nakakaawa na ang kabobohan nila ‘di bah?

Saka sa ikot ng mundo ngayon na ang bilis ng buhay, ang bilis ng mga pangyayari, gugustuhin mo pa ba na ma-stress o ma-torture sa mga komento na wala naman o hindi importante?

Hay naku, kung mas harapin na lang sana nila ang mas magandang bagay baka umasenso pa buhay nila. Get a life please.

Words of wisdom ng mga K-drama, nakakaadik!

‘Pag pala mature ka na, pag nanood ka ng sine o TV, nakinig ng kanta, meron doon isang eksena o dialogue o bagay na tatatak sa utak mo.

Kahit hindi mo matandaan ang title nang pinanood mo, hindi mabubura sa alaala mo ang nagustuhan mong linya o eksena.

Inaamin ko na kadalasan, ang words of wisdom na ipino-post ko sa ­aking Instagram account ay linya sa mga Koreanovela na pinapanood ko.

Kung mas bata siguro ako nang mapanood ko at seryoso kong sinunod ang aral ng mga salita na natandaan ko, baka naging perfect akong tao.

Pero siyempre pag bata ka, hindi mo rin iyon seseryosohin, ngayon nasa edad ka na doon mo lang talaga makikita ang totoong meaning nun.

Isa sa pinakagusto ko iyong ‘nothing is indispensable’, ‘envy can kill’, at iyon pagiging precious ng time.

Nakuha ko rin iyon message na sexy ang back hug, na mas sensual iyon tender kiss kaysa torrid.

Hay naku, kahit ma-addict ka watching Korean drama, you learned something na mahalaga.

Kaya hayun bongga tuloy ang mga Koreano, natalbugan si Vice Ganda, number one ang Miracle of Cell No.7 hah hah. 

O siya babu.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with