^

PSN Showbiz

Sanya praning na sa virus!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sanya praning na sa virus!
Sanya

Ligo nang ligo at todo alcohol

Isa si Sanya Lopez sa napapraning sa lumalalang Novel Coronavirus 2019.

Kuwento nga niya sa amin sa story conference ng bagong programa niyang Agimat ng Agila, limang beses sa loob ng isang araw na raw siya naliligo.

Kapag galing daw siya sa labas, ligo agad pagkauwi.

Ganundin sa taping, dahil sa rami ng mga taong nakakasalamuha niya.

Iyun lang daw ang isang panlaban natin sa nCoV, na dapat laging malinis at healthy. “Nakakapraning naman po talaga. Lalo na po ngayon because of social media. Pero importante po talaga na alagaan po natin ang sarili natin.

“Iba pa rin po talaga ang nag-iingat eh,” pakli ng Kapuso sexy actress.

Kahit nga raw sa mall shows nila o sa regional shows, medyo praning na rin daw ang guards at handlers nila dahil binabawalan na raw silang lumapit sa fans. Posible kasing mahahawa ka sa crowded na lugar. “Pag nagmu-mall show po ako ngayon…before po kasi pinapayagan pa kaming bumaba. Pero ngayon, kahit anong pilit ko ayaw po talaga kaming payagan. Pero yung pinupuntahan na rin kasi namin naka-mask na rin lahat.

“Siyempre, yung mga hawak hawak sa kamay…pero humahawak pa rin ako minsan, hindi po talaga maiwasan. Pero kailangan po talaga maghugas ng kamay at mag-alcohol,” pahayag ni Sanya.

Thankful si Sanya ngayong 2020 dahil tuluy-tuloy daw ang trabaho niya. Nasa taping pa siya ng Daig Kayo ng Lola Ko nang dumalo siya sa storycon ng Agimat ng Agila nung nakaraang Lunes ng gabi. Excited daw siya sa Agimat ng Agila dahil makakasama niya si Sen. Bong.

Gustung-gusto rin daw niyang mag-aksyon kaya bago raw ito sa kanya.

Samantala, paulit-ulit na nagpapasalamat si Sen. Bong sa GMA-7 dahil sa hindi raw talaga siya iniwan.

Marcelito 9 na kanta ang inihahanda sa finale ng AGT

Dasal ang panlaban ni Marcelito Pomoy sa pagsali niya sa America’s Got Talent.

Nung nakausap namin siya sa nakaraang Thanksgiving party ng Macbeth Shoes and Apparel kamakailan lang, sinasabi niyang ipi-nagdarasal na lang daw nila ng asawa niya na maging maganda lang ang performance niya sa pagbalik niya sa semi-finals.

Hindi na lang daw niya iniisip na dapat makapasok siya sa grand finals. Ang mahalaga raw ay makapag-perform lang daw siya nang maayos dahil kahit itong pagtuntong niya sa semi-finals ay wala rin daw sa hinagap niyang marating niya ito.

Kung wala raw ang asawa niya na nagpursigeng mapasok niya ito, tingin daw niya wala naman siya sa AGT. “Nagpapasalamat talaga ako sa asawa ko kasi siya ang gumawa ng way eh. Ako nawalan nun ng pag-asa, siya ang talagang nagtayo. Sabi niya, ‘hindi kaya mo pa yan. May boses ka pa, ako ang gagawa ng paraan. Umiiyak talaga ko nun eh,”  pahayag ni Marcelito.

Kaya kung wala raw ang asawa niya, hindi naman daw niya ito maaabot.

Thankful din siya sa mga biyenan niya dahil todo rin daw ang suporta sa kanya. Minsan nga raw parang pakiramdam niya mas mahal pa siya ng mga biyenan niya kesa sa asawa niya.

Kaya lahat nang ito ay ipinagpasalamat ni Marcelito sa Diyos, na binigyan siya ng asawang talagang tumulong sa kanya na marating niya ang America’s Got Talent.

May siyam pa na kantang pag-aaralan ni Marcelito para sa grand finals. Ang staff daw ng AGT ang nagdi-decide kung ano ang kakantahin niyang ilalaban sa grand finals.

Kisses pasok sa Voltes 5

Wala pang kinukumpirma mula sa Triple A, pero mukhang magiging Kapuso na nga si Kisses Delavin.

Kasama siya sa susunod na episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na tini-tape na ngayon. Ang narinig ko lang, dapat kay Bianca Umali itong episode na ito, pero hindi kakayanin ng schedule ang taping dahil tuluy-tuloy din ang taping niya para sa Season 3 ng Halfworlds sa HBO.

Pero nagsisimula muna ang dating Kapamilya young actress sa pa-guesting-guesting sa Kapuso network at posibleng magiging regular na siya sa isang series ng GMA 7. Totoo bang isasali siya sa Voltes V?

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with