^

PSN Showbiz

Lovi nagpasalamat na kinaya ang challenges sa buhay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lovi nagpasalamat na kinaya ang challenges sa buhay

Successful ang surprise party na organized ng talent manager na si Leo Dominguez para sa alaga niyang si Lovi Poe.

Sa February 11 pa ang birthday ni Lovi pero nung isang gabi lang available si Lovi para makipag-meeting kunwari sa coffee shop ng The Frazzled Cook.

Wala siyang kamalay-malay na may pa-party sa kanya kasama ang pamilya, mga katrabaho at mga kaibigan.

Dumating ang mag-inang Sen. Grace Poe at Bryan Llamanzares.

Naki-celebrate din sina Dina Bonne­vie, Tony Labrusca, Albie Casiño, direk Joel Lamangan, direk Jay Altarejos at ilan pang non-showbiz friends at movie press.

Sobrang gulat na gulat ang Kapuso actress pagpasok niya dahil nandun na lahat at nag-aabang sa kanya at kinantahan siya ng Happy birthday.

Ang saya ni Lovi na nagpasalamat sa mga dumalo at sinabi nga niya na itinutu­ring niyang sobrang blessed siya dahil sa kabila raw ng mga pinagdaanan niya, at ilang challenges na dumating sa buhay niya nandiyan pa rin ang pamilya at mga kaibigang hindi nang-iwan sa kanya.

Naintriga tuloy kami sa sinasabi niyang challenges, na nilinaw naman niyang hindi raw iyun personal.

“As a person siyempre, we go through emotional phases with everything that’s happening now sa mundo parang hindi naman surprising na nakaka-stress ang mga bagay-bagay na nangyayari. 

“Pag ganitong may birthday cele­bration ako, it reminds me of how blessed I am,” safe na sagot ni Lovi.

Mas excited daw siya ngayon sa projects na gagawin.

Maganda ang drama series na inihanda ng GMA-7 sa kanya, lalo na’t pinuri siya sa special participation na ginawa niya sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Hindi pa raw puwedeng i-reveal kung ano at kung sino ang makakasama niya sa drama series na gagawin niya.

Gusto raw niya kasing makakatrabaho uli itong Kapuso star na makakasama niya.

Ang isa pa raw na aabangan ay ang pelikulang ginawa niya sa Viva Films na dinirek ni direk Joel Lamangan.

Ginawa na pala nilang Hindi Tayo Puwede ang title, na sabi ni direk, daring daw sila sa pelikulang ito.

Kakaiba na raw ito sabi ni Lovi na ngayon pa lang daw niya nagawa.

“Daring yes, but emotionally parang I feel na dinare ko yung soul ko in this movie.

“Sa lahat naman na pelikula ko I make sure that I did my best. This story is very different. I’ve never done before.

“Excited ako na mapanood ng mga tao kasi ibang klaseng istorya ito,” pahayag ng Kapuso actress.

Sen. Grace ayaw nang pagtrabahuhin si Susan Roces

Sandaling nakatsikahan namin si Sen. Grace Poe at hiningan siya ng opinyon tungkol sa pinag-uusapang Eddie Garcia Law sa Kongreso.

“Sa tingin ko nararapat lang na mabigyan ng karagdagang proteksyon sa ating mga kasamahan sa industriya. Lalung-lalo na napakahaba ng panahon ng pagtatrabaho ‘di ba? Ang iba halos 24 hours tuluy-tuloy, so lalong naaaksidente. So, dagdagan natin. Meron nang mga batas na naipasa sa DOLE, kaya lang siguro mas kailangan siguro sa industry ang Eddie Garcia Law dahil nga ang working conditions sa showbiz ay iba. Dito kasi erratic eh.

“Kaya siguro napapanahon na ito ay mabigyan ng pagkakataong maipasa,” pahayag ni Sen. Poe.

Kagaya ng ina niyang si Susan Roces, nagpapasalamat naman daw siya dahil sinusunod daw ng ABS-CBN 2 ang napagkasunduang cut-off sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kung siya ang masusunod, ayaw na sana niyang magtrabaho ang Mommy niya, pero alam naman daw nating hindi ito mapigilan kung gusto nitong magtrabaho.

“Unang-una masaya siya sa trabaho niya. Pangalawa, hindi po puwedeng pagsabihan si Lola Flora. Kung ano ang gusto niya, iyun ang gusto niya.

“Minsan ako ay nag-aalala dahil iyun nga napupuyat. Maganda naman na sinusundan naman ng ABS na bigyan siya ng oras ng cut off.

“Pero alam mo sa mga senior citizens, ang mas nagpapalakas sa kanila ay meron silang ginagawa araw-araw na gusto nila,” pahayag ni Sen. Poe.

Hindi niya masagot kung pagbawalan pa ba niyang magtrabaho si Manang Inday kapag matapos na ito sa teleserye ni Coco Martin.

“Pero alam ng mga nanay na hindi natin sila puwedeng pagbawalan.

“Ang gusto ko magtrabaho ang nanay ko para hindi niya ako tutukan.

“Kung walang trabaho yun, lahat ng hearing ko papanoorin niya. Siya yung unang may phone in questions sa akin,” nakangiti niyang pahayag.

Gloria lumalakas ‘pag nagti-taping

Kahit nga si Gloria Romero, na sa bahay na lang guma­gawa ng spiels niya sa Daig Kayo ng Lola Ko, lumalakas pa raw ito ayon sa mga ilang napagtanungan ko.

Ganado raw talaga siyang magtrabaho, at lalo pa siyang natutuwa dahil maganda ang feedback sa fantasy drama niya at consistent na mataas ang rating.

Kaya ang latest na naririnig namin, hindi na ito tsutsugihin.

Ang unang napabalita, sa timeslot na ito ilalagay ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla pero naiba na raw ang plano.

Sa ibang timeslot na raw ilalagay ang fantasy action na gagawin ni Sen. Bong.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with