^

PSN Showbiz

Julia hinay-hinay na sa mga pino-post sa social media

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia hinay-hinay na sa mga pino-post sa social media
Julia

Hindi na masyadong nagpo-post si Julia Barretto sa kanyang Instagram account ng masyadong personal maging tungkol sa buhay pag-ibig.

Madalas na nakararanas ng pamba-bash ang aktres mula sa netizens kaya iniwasan na niya ito. “I don’t want to share so much of my private life and relationships anymore because the less people know, the less they can have an opinion on something. Ako kasi I’ve always felt comfortable posting and putting captions that I want and post whenever I want. But in my case bawat galaw ko, as in bawat galaw ko, nakikita talaga eh. So I feel like ako, just recently, natutunan kong i-post ‘yung mga bagay na ‘yung side lang na gusto kong ipakita. Before I used to only post about work, work, work, now lahat ng random photos na kinukunan ko ‘yon na ‘yung pino-post ko. Kasi I realized like ito ‘yung gusto kong i-post, ‘yung random photos ko, ‘yun na ‘yung pino-post ko, iyon lang ‘yung side ko na alam nila,” paliwanag ni Julia.

Mahigit walong milyon na ang followers ng aktres sa Instagram. Ayon kay Julia ay kinakailangan din talaga na magpahinga sa paggamit ng social media paminsan-minsan. “Honestly ang na-realize ko sa akin is ‘yung use of social media depends on the people that I’m with. So minsan when I enjoy the company so much or with the person I am with, invested ako sa pag-uusap namin, sa conversation namin. Or mas nai-enjoy ko ‘yung company niya then social media. Hindi ko talaga nagagamit at all. Sometimes I don’t really touch my phone at all,” pagbabahagi ng dalaga.

Maja nilinaw ang relasyon nina Joshnella

Nasaksihan ni Maja Salvador ang magandang turingan nina Joshua Garcia at Janella Salvador dahil nakasama sa teleser­yeng The Killer Bride.

Para kay Maja ay may chemistry ang naging tambalan nina Joshua at Janella. “As a love team dahil parehas may chemistry. Si Joshua naman kahit kanino mo siya i-pair malakas ‘yung magiging chemistry. Tapos si Janella nakita natin siyang mag-grow lalo na ‘yung sa acting niya. Ang laki ng ni-level up ni Janella,” nakangiting pahayag ni Maja.

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang isang video kung saan ay makikitang tinutukso ni Maja si Joshua para kay Janella.

Naganap ito noong thanksgiving party ng nagtapos na serye. “Kung ano man ‘yung lumabas ng time na ‘yun, we are just having fun. Siyempre masaya kami dahil ang daming sumuporta ng show namin and nagsaya lang kami ng gabing iyon. So kung may lumabas na video, siyempre mauunahan ng malisya. But lahat kami friends and alam naman ng dalawa na fan ako. Kasi in fairness do’n sa dalawa, ang lalim talaga ng friendship na kahit ano mang pagtutukso mo talagang wala. And then ‘yung party namin alam nilang maghihiwalay na, wala na kaming taping. So may extra sweetness pero hanggang gano’n lang,” paglilinaw ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with