^

PSN Showbiz

Rhian hindi pangarap magkaanak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rhian hindi pangarap magkaanak
Rhian

Hindi binanggit ni Rhian Ramos, pero sa ibang bansa niya ipinagdiwang ang anniversary nila ng Israeli boyfriend niyang si Amit Borsok.

Napag-usapan namin ito sa me­diacon ng drama series niyang Love of My Life na magsisimula na ngayong gabi.

Sabi niya, hindi pa naman daw kasing tagal ng relasyon nina Mikael Daez at Megan Young, pati kina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang relasyon nila ni Amit, pero sana ito na raw ang maging huli niya.

Hindi nga lang daw sila umaabot sa wedding plans, dahil ang gusto ng Kapuso actress, sundin ang gusto niyang marrying age na 35.

Medyo matagal-tagal pa iyun dahil 29 pa lang siya ngayon.

Kaya hindi pa niya nakikita ang sariling ikinakasal, lalo na ang magkaroon ng baby.

Hindi pa masasabi ni Rhian kung mababago ang desisyon niya, pero kung tatanungin mo siya ngayon, ayaw niyang mabuntis o magka-baby. “I think it’s a possibility, but like it’s not my dream,” pakli ng Kapuso actress.

May anak siya rito sa Love of My Life, at doon lang daw niya nararamdaman ang pagiging ina. Pero pagkatapos ng take, iba na raw. Hindi raw niya kasi nakikita ang sarili na isa siyang nanay.

Nabanggit din pala ni Rhian na nagagamit na raw niya ngayon sa Love of My Life ang napag-aralan niya sa New York. Matagal-tagal ding nawala si Rhian dahil nag-aral siya sa Amerika ng crash course on Imrov Comedy.

Pinag-aralan niya ito sa Upright Citizens Brigade sa New York, at ang dami raw niyang natutunan.

Paliwanag ni Rhian dito sa Improv Comedy o Comedy Improvisation;

“Basically, it’s acting without a script.

“Mag-iimbento kayo ng scenes as you go along. Kahit anong sabihin ng scene partner mo, yun yung magli-lead sa kung ano mang susunod na gagawin.

“It’s just believing in the situation kahit wala kayong script.

“Nakatulong siya sa akin in the sense na how to stay in character ang believe na ikaw yun. Kahit na wala kang script nakaka-react ka how your character would react.”

vuukle comment

MIKAEL DAEZ

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with