âCommissioner Guanzon tinalo ako, mala-rapido ang mga dialogueâ
Comelec Commissioner ROWENA GUANZON
‘Commissioner Guanzon tinalo ako, mala-rapido ang mga dialogue’
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2020 - 12:00am

Bongga pala talaga si Comelec Commissioner Rowena Guanzon dahil talagang down-to-earth at bara-bara siya kung magsalita. Direct to the point.

Si Commissioner Guanzon ang nakabangga ng youth leader na si Ronald Cardema noong nakaraan na eleksyon.

Noon pa man, kontrobersyal na si Commissioner Guanzon dahil sa kanyang mga direktang sagot  sa mga interview at ganoon din pala siya sa tunay na buhay.

Talung-talo ako ni Commissioner Guanzon sa kanyang mala-rapido na mga dialogue.

At kaloka ang flight namin pa-Bacolod dahil may isang tao na ang ingay-ingay na nakikipag-usap sa telepono na akala mo may kaaway at may problema sa kausap niya.

Naging soft lang ang boses niya nang may general na siya na kausap, si Kevin Tan pala ‘yon na anak ni Andrew Tan ng Megaworld Corporation.

Nagkaroon yata si Kevin ng problema sa driver niya kaya ang lakas-lakas  ng boses niya na dinig sa buong eroplano ng Philippine Airlines.

Talagang kahit saan ako magpunta, sinusundan ako ng ingay at controversy. Isa at kalahating oras lang ang biyahe ko, dalawang celebrity agad ang na-encounter ko, sina Commissioner Guanzon at Kevin.

‘Trust God...’

Ewan ko ba, pero ang feeling ko hindi gaganda ang buong linggo ko if I don’t go to church kapag Sunday.

‘Yung araw-araw na nasa labas ka ng bahay, nagpapalipas oras ka sa mga meeting at presscon pero isang araw at isang oras lang para magpasalamat kay God, hindi pa natin mabigay.

Hindi preaching pero kapag lumalabas ka mula sa simbahan, parang refreshing ang feeling. Hindi ba ‘yung  silent moment na naroroon ka, parang wala ka nang problema sa mundo?

Psychological siguro pero pagkagaling sa simbahan, parang lahat ng magiging lakad natin ay nagiging lucky.

Siguro nga dahil na-bless tayo kaya nagkakaroon ng lucky charm sa mga ginagawa natin.

Faith is to believe in what you don’t see and the reward of that is to see what you believe in. Trust God. Siya lang ang puwedeng magbigay sa atin ng best gift that we want. And God is good all the time.

Bacolod nakaka-inlove!

Ewan ko Salve pero na-in love ako sa Bacolod dahil parang laid-back ang atmosphere ng pro­vince, very sweet ang mga tao at tulad sila ng mga Ilonggo na parang sing-song ang tono ng mga boses.

Sa tingin ko, mahilig kumain ang mga taga-Bacolod dahil sa dami ng mga restaurant, food courts, small eateries at ang mga  nagtitinda ng kakanin sa sidewalk na nakita ko.

Very progressive ang Bacolod na marami rin ang mga hotel kaya hindi nakapagtataka na doon itinayo ni Papa Albee Benitez ang theme park na MagikLand. Lahat ng amenities ng MagikLand, kayang-kaya na ibigay ng Bacolod.

Aside from Pandi, Bulacan, ang bayan na pinamumunuan ni Mayor Enrico Roque, parang ang Bacolod ang next place na gusto ko na tirahan para close sa MagikLand ni Papa Albee bilang young at heart ako dahil sa carnival.

ROWENA GUANZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with