_ngayon
^
Ronnie gusto pang humirit ng isang pelikula kay loisa!
Loisa and Ronnie

Ronnie gusto pang humirit ng isang pelikula kay loisa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2020 - 12:00am

Ayon sa aming reliable source, naka-P4-M daw sa first day ang horror movie na Block Z nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sabi ng ilang producers, so so lang daw ito, pero sa totoo lang, sa panahon ngayon, okay na okay na ‘yang 4M.          
Pero ang latest na nasagap namin, medyo humina ito sa 2nd day of showing, na naka-P3-M na lang daw. Okay pa rin ‘yun kahit 3M lang. Ewan ko lang kung hahataw pa ito ngayong weekend.

Kahit nagde-dedmahan ang dalawang bida habang nagpo-promote sila, okay pa rin ang kinalabasan sa box-office dahil magaling naman mag-promote ang Star Cinema.

Kaya posibleng maganda rin ang kalalabasan nitong kasunod nilang iri-release na James And Pat And Dave nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Parang wala na kasing dating sa akin ang tambalan nilang dalawa dahil ngayon lang sila ginawang bida sa pelikula pagkatapos ng maraming naganap sa kanilang relasyon,

Pero nakiusap pa raw si Ronnie sa Star Cinema na kung sakaling maganda ang kalalabasan ng kanilang pelikula, sana bigyan pa raw sila ng kasunod na project.

“Para sa akin, kung sakali man po na kumita ang pelikula — sana naman po, Star Cinema, ibigay po ninyo uli sa akin si Loisa.

“Gusto po namin na mas may mapatunayan pa. Gusto pa po namin na magtrabaho sa isa’t isa sa ngayon.

“So, darating din iyong araw, pag medyo tumanda-tanda na kami, doon po siguro, puwede na.

“Pero Star Cinema... please po,” pakiusap ni Ronnie na inayunan din daw ni Loisa.

Rocco naihanda na ang lugar na titirhan sa magiging asawa

Hinding-hindi makakalimutan ni Rocco Nacino ang text message ko sa kanya na pasok siya sa shortlist ng Starstruck nung sumali siya nine years ago.

Ako kasi ang talent coordinator nun at ako ang nag-break sa kanya na kasama siya sa callback ng naturang talent-reality search.

Doon daw nagsi­mula ang journey niya sa showbiz na talagang pinaghirapan din naman niya at pinag-ipunan.

Ayun na nga, sobrang saya niya na nakatayo na ang malaking bahay na ipinagawa niya sa Antipolo.

“Worth nine years po yun ng buhay ko sa showbiz,” pakli ng Kapuso actor sa media­con ng Pinoy Adaptation ng Descendants of the Sun.

Sa gitna ng halos araw-araw na taping niya sa DOTS, isinisingit niya ang pag-aayos.

Marami pa raw kailangang gamit para mapuno iyun.

May sariling bahay na raw ang mga magulang niya kaya sa kanya lang daw iyun. Pero may nakalaan na kuwarto raw doon ang parents niya para mag-alaga raw ng magiging apo nila kung sakali.

Nakikita na rin kasi ni Rocco na sa bahay niyang iyon siya bubuo ng pamilya.

“Siyempre, gusto ko rin magka-family no?” bulalas niya.

Pero may commitment pa raw si Melissa Go­hing sa volleyball, kaya maghihintay lang daw siya.

“Mga ilang years pa siya sa volleyball eh, kaya ibigay ko muna sa kanya yun,” pahayag ni Rocco na siyang gumaganap na si Technical Sergeant Diego Ramos o Wolf sa DOTS.

Sa February 10, pagkatapos ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na ito mapapanood.

Aicelle at Julie Anne bihasang bihasa na sa biritan!

Isa sa inaabangan sa All-Out Sundays ay ang segment ng Four the Win na labanan sa biritan ito nina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, at ng mga taga-The Clash na sina Golden Cañedo at Thea Astley.

Hindi talaga sila sumasabit at walang sapawan. Kaya ang sarap pakinggan.

Thankful sina Julie Anne at Aicelle na nakakanta sila nang bonggang-bongga dahil nahahasa sila lalo at nagagamit sa mga concerts nila sa iba’t-ibang venue.

Katatapos lang ng 1 for 3 concert kagabi nina Aicelle, Christian Bautista at Mark Bautista kagabi at maganda ang feedback ang nakarating sa amin.

Si Julie Anne naman ay pinaghahandaan na rin ang pre-Valentine concert nila nina Christian Bautista sa Pangasinan.

Ito pa rin ang kanilang The Sweetheart and the Balladeer (Fun Night Only) na gaganapin sa February 8 sa Urdaneta City Cultural Sports Center sa Urdaneta City, Pangasinan.

CHRISTIAN BAUTISTA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with