^

PSN Showbiz

Single parent na, Cristine ayaw maghanap ng bagong dyodyowain!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Single parent na, Cristine ayaw maghanap ng bagong dyodyowain!

Ayaw ni Cristine Reyes na i-focus ang usapan sa kalagayan niya ngayon, pero sinabi niyang dedma na siya sa darating na Valentine’s Day.

Sa ilang katanungan sa kanila ni Xian Lim sa mediacon ng pelikulang Untrue, sinasabi naman ni Cristine na sa anak niyang si Amarah ang focus niya ngayon at natutuwa siya dahil nagkakaroon siya ng panahong makabiyahe kasama ang anak.

“Iyun naman ang importante sa lahat eh, ang time. Mas higit pa ito sa pera, dahil kailangang ibigay mo talaga ang time mo sa taong mahal mo,” pahayag ni Cristine na ang anak niyang si Amarah ang kanyang tinutukoy.

Hindi naman niya itinatangging solo parent na siya ngayon sa anak nila ni Ali Kathibi.

“I guess hindi na natin kailangan i-announce yun. Nakikita naman na eh,” tipid niyang sagot.

Kaya wala na rin daw sa isip niya ngayon na makahanap ng panibagong partner sa buhay, dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang kanyang anak, ang pamilya at ang trabaho.

Tinanong siya ng ilang reporters kung open ba siya sa panibagong relasyon?

“Mas magandang hintayin mo na lang na dumating ang tao na yun kesa yung sabihin mong I’m open, di ba? Darating yun,” pakli ng lead actress ng pelikulang Untrue ng Viva Films.

Kaya sa darating na Valentine’s Day, magiging abala na lang daw siya promo ng Untrue na magsu-showing na sa February 19.

“Hindi ko iniisip yun. Mas importante yung merong trabaho,” pakli niya.

Proud si Cristine pati ang leading man niyang si Xian Lim sa pelikulang Untrue na dinirek ni direk Sigrid Andrea Bernardo.

Sabi nga ni Cristine, inaasahan daw niyang magiging classic film ito na paulit-ulit dahil sa ganda.

Sanya magiging leading lady ni Bong sa Agimat!

Sa February 8 na pala magsisimulang mag-taping si Sen. Bong Revilla para sa bagong show niya sa GMA-7, ang Agimat ng Agila na isang weekly fantasy series.

Pero ngayon ay nasa pre-production na sila na kung saan binusisi nila nang husto ang istorya, pati ang casting at ang special effects.

“Again, nagpapasalamat ako sa GMA, sa Kapuso, at winelkam back nila ako despite sa mga pinagdaanan ko,” pahayag ni Sen. Bong kahapon nang magpa-thanksgiving ito sa mga kaibigang movie press sa Annabel’s Morato.

“Nandiyan pa rin sila. Hindi nila ako pinabayaan. Itong project ko, isang proyekto na pambata, na definitely may agimat, kaya ang title niya ay Agimat ng Agila.

“Pero ibang attack, ibang approach, at sabi ko nga, sisiguraduhin natin na iibigin ng mga manonood. Kung ano iyong hinahanap nila sa mga pelikula ngayon, na matagal-tagal na ring nawala, gagawin po natin dito.

“And we will make sure na magugustuhan ito ng ating mga kababayan... Talagang pinaganda iyong script. Binusisi naming mabuti. Pinaghandaang mabuti.

“Maski iyong mga effect, pinapaganda namin. I-e-air ito, siguro, March or April.”

Ang narinig namin si Sanya Lopez ang makakasama rito ni Sen. Bong pero ayaw pa niyang sagutin dahil mas mabuting ipaubaya na raw sa Kapuso network ang pagkuha ng co-stars niya.

May ilang Kapuso stars nga na binanggit ng ilang reporters kung okay lang ba mag-guest sa kanya, wala naman daw siyang kontrol diyan dahil ang GMA-7 naman daw ang nagdi-decide.

“Ipaubaya na natin iyon sa GMA,” nakangiting pakli ni Sen. Bong.

Ang unang napabalita ay ito ang ipapalit sa Daig Kayo ng Lola Ko. Pero sa ngayon ay maganda ang performance sa rating ng Daig…ni Lola Gloria Romero. Kaya nasa GMA-7 na raw iyan.

Magsisimula pa lang naman siyang mag-taping, at baka March o April pa raw ito mai-ere.

Ramdam namin ang sobrang tuwa ni Sen. Bong na muli niyang nakasama ang mga kaibigang movie press dahil gusto lang daw niyang ipadama ang taus-pusong pasasalamat sa lahat na tulong at hindi raw siya iniwan nung nasa ibaba siya.

“Hindi n’yo ako iniwan kung nasa baba ako.

“Nandiyan kayo para samahan ako sa pag-angat ko,” bahagi ng madamdamin niyang pahayag kahapon.

“Hindi n’yo ako iniwan nung nasa baba ako.

“Nandiyan kayo para samahan ako sa pag-angat ko,” bahagi ng madamdamin niyang pahayag kahapon.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with