^

PSN Showbiz

Beauty nagsalita sa pagiging anorexic

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Beauty nagsalita sa pagiging anorexic
Beauty

Sixteen weeks din palang napanood ang Kadenang Ginto sa ABS-CBN na next week ay babu na sa ere.

Isa sa binuhay ang career nito ay si Beauty Gonzales.

Aminado si Beauty na palayas na siya noon sa ABS-CBN at palipat na ng GMA nang ibigay sa kanya ang programa.

“Muntik na akong naki-fiesta sa kapitbahay natin. Pero mas masarap pa rin ang pagkain sa ABS-CBN,” sabi niya sa ginanap na finale presscon for Kadenang Ginto na humataw nang husto sa ratings.

“Pero bumalik po ako dito at kailangan kong patunayan  ang sarili ko na hindi ko na kailangang magbayad ng writer para humaba ‘yung linya ko. Patunayan ko sa sarili ko na deserving ako kung nasaan ako ngayon,” dagdag ng bestfriend ni Ellen Adarna.

Kuwento pa ng actress, mas malusog na siya ngayon kesa noong umpisa nila sa programa kung saan ay anorexic siya.

“I was 100 lbs. I’m the healthiest I’ve been now in my life,” emosyonal na pahayag pa ni Beauty.

Bukod sa talagang bumongga ang career nilang lahat sa Kadena… kinilala rin ang pagiging mahusay niyang actress. Bukod pa sa dumami rin ang endorsement nila ni Dimples Romana.

Nanalo siyang Best Actress sa Eduk Circle Award para sa nasabing serye

Kaya hirap daw siyang maka-move on sa pagtatapos ng kanilang programa.

Anyway, susuungin ng apat na babaeng Mondragon ang pinakamalaking giyera sa kanilang mga buhay sa huling dalawang linggo ng top-rating teleserye.

Tatawaging The Battle of the Dra­gons ang pagtatapos ng naturang serye na umere ng higit sa isang taon. Bukod sa mataas na ratings, nakapagtala ito ng milyun-milyong views sa YouTube at naging patok sa netizens ang mga meme na mula sa serye. Bukod naman sa Pilipinas, ipinapalabas din ito sa Myanmar at kasalukuyang umeere naman ang Indonesian adaptation nito.

 Naging daan din ang serye sa pagsikat ng hit teen quartet na The Gold Squad, na binubuo nina Andrea, Francine, Seth Fedelin, at Kyle Echarri, na nakapaglunsad na ng kani-kanilang digital movies sa iWant at nakapaghakot na ng 1.8 milyong subscribers sa YouTube channel nila.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with