^

PSN Showbiz

Lotlot at Nora hindi pinagtatagpo ng universe

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lotlot at Nora hindi pinagtatagpo ng universe
Lotlot

Matagal na as in hindi na maalala ni Lotlot de Leon kung kailan sila huling nagkita ng nakamulatan niyang nanay na si Nora Aunor.

So may effort ba siyang magkita sila?

“Oo naman, siguro lang talagang hindi pa time na magkita kami,” sabi ni Lotlot nang maka-chika namin recently nang pumirma siya ng management contract with LVD Management ni Leo V. Dominguez.

Common knowledge sa showbiz na may something sa mag-ina at obviously, hindi sila pinagtatagpo ng universe.

Samantala, pagdating sa anak niyang si Janine ay ayaw pumapel ng actress particular na sa naging issue nina Janine at Manay Lolit Solis na nag-umpisa sa “Oh God” tweet ni Janine na reaction sa ipalalabas na programa ni Sen. Bong Revilla kung saan mabilis na pinagtanggol niya ang anak.

 “I can give her advice, siyempre, alam naman ni Janine ang tama at mali rin. But she has the freedom to say what she feels is right, and I know that if she says something that may be taken against her, siguro naman, kaya rin niyang ipagtanggol ang opinyon niya, di ba?

“Matalino naman ang anak ko, mabait din naman, hindi dahil sa anak ko siya, pero mabait ‘yung bata. I’m sure, hindi naman niya intensyon na makasakit o may masabing may masasaktan ang kung sinuman.

 “But ‘yun na nga, minsan kasi, kung ano ‘yung tama sa akin, maaaring mali para sa ‘yo, ‘yung mali para sa ‘yo, maaaring tama para sa akin,” chika ni Lotlot.

Settled na rin sina Lotlot at Manay Lolit matapos nga silang magkita sa nasabing lunch for Lotlot’s contract signing with LVD.

 “Ang liit ng mundo nating lahat, hindi naman para mag-away-away o ano. I think it’s but natural for everyone to give their opinions,” pahayag pa ng actress na ang unang project kay Leo ay ang pelikulang The Beauty Queens kung saan siya gaganap na tomboy na mai-in love kay Gloria Diaz.

Gets niya ang point ng PSN / PM columnist at talent manager sa pagtatanggol alagang si Sen. Bong.

Anyway, three years ang contract niya with Leo at bukod sa The Beauty Queens na dinirek ni Joel Lamangan, part din siya ng Filipino cast ng Almost Paradise na production ng Hollywood actor na si Dean Devlin. Nakapag-shooting na siya ng ilang eksena with American actor Christian Kane.

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with