Sue, nakakaranas ng matinding hirap
Ayaw isabay ang lovelife
Nag-iisang babae si Sue Ramirez na gumaganap bilang sundalo sa teleseryeng A Soldier’s Heart. Pinagbibidahan ang naturang serye nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores, Elmo Magalona at Carlo Aquino.
Masayang-masaya si Sue dahil napabilang siya sa bagong serye na napapanood tuwing gabi sa ABS-CBN.
Matinding hirap daw ang dinaranas ng aktres dahil sa mga ginagawa ng kanyang karakter sa serye. “Gusto ko siyang pagdaanan para alam ko ang bigat at responsibilidad na dinadala ng isang sundalo. Ang kuwento ng A Soldier’s Heart, it’s more of kuwento ng pamilya ng mga sundalo, kuwento ng journey nila kung paano sila naging sundalo at kung bakit sila naging sundalo,” pagbabahagi ni Sue.
Patuloy na namamayagpag ang ratings ng bagong serye. Para sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksena dahil makahulugan ang istorya nito. “Dito sa A Soldier’s Heart ‘yung love interest is not really important sa story. Parang plus na lang ‘yon parang mag-focus ang story doon sa each and every character na nasa cast. Iba-iba ang gusto nilang iparating sa mga tao,” paglalahad ng dalaga.
Walang karelasyon si Sue ngayon kaya ayon sa aktres ay talagang ang trabaho muna ang kanyang pinagtutuunan ng panahon. Matatandaang nagkahiwalay sina Sue at Joao Constancia bilang magkasintahan noong isang taon. “Somehow you get lost along the way kapag too much ang ginagawa mo. Parang ‘Sino ba ako? Ako pa ba ito? Ito na ba ako?’ As much as possible ayokong gumagawa ng project at the same time,” makahulugang pahayag ng aktres.
Sheryn, gustong makatrabaho ang Mayward
Nasa bansa ngayon si Sheryn Regis at pinaghahandaan na ang kanyang Back To Love concert na gagawin sa Music Museum sa February 28. Sa Texas na nakabase ang singer kasama ang asawa at anak.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto nang manatili o manirahang muli sa Pilipinas ni Sheryn. “Gusto ko for good kasi nga gusto ko bumalik sa acting. Remember nag-Betty La Fea ako before. Gusto ko ulit, ‘yung role na hindi lang masyadong iiyak. ‘Yung parang comedy, romance-comedy, yes, gusto ko ‘yung ganyan,” nakangiting bungad ni Sheryn.
Gusto umanong makasama ng ‘Crystal Voice of Asia’ sa isang proyekto ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber. “Sana mabigyan ako ng chance na aside from singing ay magagamit ko rin ‘yung acting skill ko. Aside from Maymay being Bisaya, she’s so cute. She’s so kikay and I like Edward. And they are very down to earth. I really love them,” pagbabahagi ng singer.
Taong 2010 nang magpasya si Sheryn na manirahan sa Amerika at mula noon ay paminsan-minsan na lamang nakauuwi sa Pilipinas ang singer. (Reports from JCC)
- Latest