^

PSN Showbiz

Sikat na male personality at partner na foreigner noong isang taon pa hiwalay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Yup, ‘di sila magkaintindihan

Kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa paghihiwalay ng isang sikat na male personality sa kanyang piniling larangan at ng kanyang karelasyong nakasama niya rin nang matagal-tagal na panahon.

Ayon sa mga impormante ay nu’ng nakaraang taon pa nagkakalabuan ang magkarelasyon, pero hindi lang sila nagsasalita, para sa kapribaduhan ng kanilang mga anak.

Lumutang nu’n ang kuwento na hindi sila nagkakasundo dahil magkaiba ang kulturang kinagisnan nila. Magkaiba talaga dahil banyaga ang babae.

Komento ng isang source, “E, di nga ba, ginagawa pang joke nu’n ang naging kapalaran nu’ng lalaki? Galing daw siya sa isang karelasyong Inglisera, pero ang nakarelasyon niya uli, e, Inglisera pa rin?

“So, ginagawang joke ng mga tao ‘yun, hindi raw sila nagkakaintindihan, dahil mahina sa English ang male personality! ‘Yun daw ang dahilan kung bakit meron silang language barrier!”natatawang kuwento ng aming impormante.

Pero sa seryosohang usapan ay kalat na rin ang kuwento ng kanilang hiwalayan kahit sa mundong ginagalawan ng male personality.

Kuwento naman ng isa pang source, “Madali kasing malaman kung okey pa o hindi na ang relasyon ng isang sports personality sa girlfriend o misis niya, e.

“Kapag hindi na nanonood ng mga games niya ang girl, e, ipinapalagay ng mga nandu’n na hindi na sila okey. Problemado na ang relasyon nila.

“E, last year pa, hindi na nakikita ang girl na nanonood ng mga games nu’ng male personality. Nu’n pa ‘yun, pinagkukuwentuhan na sila. Wala nga lang confirmation, wala naman kasing nagsasalita sa kanilang dalawa.

“’Yung girl, e, mailap sa mga interview, ang guy naman, e, hindi talaga palasalita. Kahit naman sa nakaraan nilang relasyon nu’ng ina ng isang anak niya, e, halos wala rin naman siyang sinabi, di ba?

“Idinadaan lang niya sa pagngiti ang mga tanong, ayaw niyang magbigay ng kahit anong information, ganu’n ‘yung guy! Magaling siyang player pero hindi siya masalita!

“Ang tanong ngayon ng marami, e, ano raw kaya ang feeling nu’ng ex niya oras na nakarating du’n sa girl ang nangyari? Mapapailing na lang kaya ang ex niya o magsasalita rin about the break-up?

“Naku, ‘yun ang kailangan niyang katakutan, baka maging magkaibigan ang ex niya at ang nakahiwalay niyang girl! Alam na this!

“Ang ex niya pa naman, napakadaling susian, konting kalabit lang, e, mabilis na siyang magsasalita! Yup, ganu’n ang ex niya!”pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Nadine matindi ang sinasabakang giyera

Matindi ang giyerang hinaharap ngayon ni Nadine Lustre. Mismong ang kumpanyang nagpasimula sa kanyang career ang kabanggaan niya, ang Viva Artists Agency, na pag-aari ni Boss Vic del Rosario.

Nu’ng unang makita sa opisina ng Viva si Nadine ng mga taong labas-pasok sa opisina ay may nagtanong kay Boss Vic. Sino raw naman ang dalagang ‘yun na parang wala namang kadating-dating?

Payat, hindi kakinisan ang kutis, hindi mo siya bibigyan ng panahon at lalong hindi mo lilingunin nang dalawang beses.

Ang sagot ni Boss Vic sa nagtanong, “Ako ang bahala, sisikat ang batang ‘yan, tamang project lang ang kailangan niya.”

At nagkrus ang dila ng prodyuser, nang gawin ni Nadine ang pelikulang Diary Ng Panget ay napansin siya, mula nu’n ay nagkaroon na siya ng mga proyekto sa Viva Films na nagpaangat sa kanyang karera.

Digmaan pa lang ng mga salita ang namamagitan ngayon kina Nadine at VAA, si Attorney Lorna Kapunan na abogado rin ni James Reid ang kinuha ni Nadine, siguradong hahantong sa husgado ang kontrobersiyang ito kapag hindi sila nagkita sa gitna ng katwiran.

Pansamantala ay mamamahinga ang career ni Nadine Lustre habang may legal na usapin sa pagitan nila ng Viva Films. Ayon sa VAA ay hindi siya maaaring tumanggap ng anumang trabaho nang walang basbas ng kumpanya.

Mahaba-habang laban ito na ang pakahulugan ay hindi puwedeng gumawa ng anumang hakbang si Nadine nang hindi muna dumadaan sa kumpanyang meron pa siyang walong taong dapat gugulin bilang artista ng balwarte ni Boss Vic del Rosario.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with