Mark durog ang puso
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

Si Mark Bautista ang isa sa mga favorite ko na showbiz personality dahil mabait, magalang at sincere siya.

All time favorite ko na pakinggan ang kanta ni Mark na When I Fall In Love dahil buong-buo ang kanyang boses at maganda ang version niya.

Sad na sad ako na namatay ang tatay ni Mark but knowing na nakita ng father niya ang kanyang successful showbiz career, sure ako he died  at peace and  happy.

Mark is such a good son kaya alam ko na durog ang puso niya sa pagkawala ng kanyang ama.

But life will go on. Prayers lang Mark and always make your father proud. I love you, my deepest sympathy for you and family. Prayers.

Take It… isang taon na

Isang tumbling na lang ay February na. Kung iisipin natin, nakakaloka ang pagpasok ng 2020 dahil unang buwan pa lang, may coronavirus sa China, ang bushfires sa Australia, ang Taal Volcano eruption at ang pagkamatay ni Kobe ­Bryant at ng anak ang sumalubong sa lahat.

Umpisa pa lang ng taon, marami na agad ang isyu at problema pero ang sabi naman ng Feng shui masters, good year ang 2020.

Ang sabi naman ng mga mapamahiin, nakakatakot ang 2020 dahil sa dalawang number 2 na nakaluhod. Sana naman, maging maganda na ang mga susunod na pangyayari like ang sarap isipin na month of February nang mag-umpisa ang Take It... Per Minute! (Me Ganun) na one year na agad.

Masarap isipin na inabot ng isang taon ang isang programa na idinadaan lang natin sa biro at hindi sineseryoso pero isang taon nang napapanood hindi lang sa Pilipinas kundi  pati sa ibang mga bansa.

I look forward every week na nagkikita-kita ang Team Take It... Per Minute! (Me Ganun), sabay-sabay na kakain ng lunch na inihanda ni Bb. Tina Roa at inayos ni Japs Gersin ang room para sa programa, ang nagmamadali na pagdating ni Mr. Fu at ang maaga na pagpapaayos ni Cristy kay Maya, team work talaga.

Lotlot nasa mabuting mga kamay

Ngayong manager na ni Lotlot de Leon si Leo Dominguez at publicist niya si Jun Lalin, talagang all out na ang pagharap niya sa showbiz.

Isinara na pala ni Lotlot ang restaurant nito dahil ang shawarma business na ang hinaharap niya plus  ang basketball team na inaalagaan nila ng kanyang asawa.

Baka pumasok na rin sa showbiz ang anak niya na si Diego kaya excited siya.

Nakakatuwa na ang galing-galing sumagot ni Lotlot sa lahat ng mga tanong sa kanya.

So happy to see her at nakita ng lahat na there’s no bad blood between us. Lotlot is in good hands kay Leo, her manager dahil very family ang turing niya sa mga alaga niya. Thanks Leo.

MARK BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with