Karla, bantay-sarado ni Daniel
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

Masayang-masaya ang relasyon ngayon nina Karla Estrada at kasintahang si Jam Ignacio. Ilang buwan nang magkasintahan ang dalawa at hindi raw ito pinanghihimasukan ng anak ng aktres na si Daniel Padilla.

Matatandaang inanunsyo ni Karla sa publiko noong November sa Magandang Buhay kung paano sila nagkakilala ng binata at kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan. “Hindi ako masyadong nakikialam. Importante lang sa akin, masaya ang ermat (nanay) ko, ‘yon lang,” bungad ni Daniel.

Ayon sa aktor ay hindi naman sila napapabayaang magkakapatid ng ina kahit mayroon na itong bagong kasintahan. Bilang panganay na anak ay sobrang binabantayan umano ni Daniel si Karla. “Alam niya na bantay sarado naman siya sa akin. I’m just happy na masaya siya, maganda mood niya lagi, ‘yon ang importante,” giit pa ng aktor.

Dimples, takot na takot sa pusa

Simula ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kabilang din sa naturang proyekto si Dimples Romana na gumaganap bilang isang security guard.

Ayon sa aktres ay ngayon lamang siya nakahawak ng baril sa totoong buhay. “First time ko humawak ng baril. Ang ganda kasi nakaka-empo­wer ng pagi­ging babae ‘yung pag­hawak ng baril. Tapos you’re saving people, ang ganda. Totoong shot gun siya pero blank ‘yung bullets. So hindi ko natantya ‘yung sarili ko, kasi shoot ko talagang dumiretso ako. Tapos si Kuya Ian (Vene­racion), paglingon niya sa akin, nasa floor na ako. Ang lakas eh pero that’s the fun part of the job. I ­really enjoyed,” nakangi­ting kwento ni Dimples.

Hindi athletic o hindi mahilig mag-workout ang aktres kaya aminadong nakaramdam ng pagkahingal sa tuwing tumatakbo sa mga eksenang ginawa. “Diyos ko, parang pasunod na nga ako sa mga zombies sa pagkahingal eh. Kasi hindi naman ako very athletic, hindi ako mahilig mag-workout so ‘pag tumatakbo ako madalas ako ‘yung nahuhuli. Pero the real struggle is ako kasi ‘yung security guard, so ako ‘yung may dala ng mabibigat na armas. Real ‘yung mga dala-dala ko, so ‘yung shot gun, imagine n’yo para akong may dala-dalang bata. Pero that was the fun part of it. Kasi every time we’re running parang adrenaline rush so ‘pag nanood kayo gano’n din ‘yung pakiramdam ninyo, ‘yung parang hinahabol din kayo ng zombies,” paglalahad niya.

Nalampasan din ni Dimples ang pagkatakot sa mga pusa dahil mayroon siyang alaga nito sa pelikula. “May alaga akong pusa dito. Takot na takot ako sa pusa pero kailangan sa shot. Mas takot pa ako sa pusa kaysa roon sa zombie na scene namin. Kasi I’m super afraid of cats,” pagbabahagi ng aktres.

(Reports from JCC)

JAM IGNACIO KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with