Nadine ima-manage na ang sarili!
Lumayas sa Viva kahit may 8-year contract pa
MANILA, Philippines — Wala na rin sa poder ng Viva Artists Agency (VAA) si Nadine Lustre.
Yup, after four months nang paglayas ni James sa VAA, umalis na rin si Nadine sa Viva na nagpasikat sa kanya.
Iisa ang nagre-represent na lawyer kina James and Nadine, si Atty. Lorna Kapunan sa kanilang paglayas sa kumpanya ni Boss Vic del Rosario.
“For the information of the public, Nadine Lustre is no longer a talent of Viva Artists Agency. Consistent with her rights under the Civil Code of the Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva.
“As of now, Nadine is self-managed and will continue to be so indefinitely. She shall directly manage her affairs from now on, and booking and inquiries may be directly addressed to her,” ang buong statement na galing sa Kapunan & Castillo Law Offices.
Sila rin noon ang naglabas ng statement ng pagkalas ni James sa Viva noong October 2019.
Anyway, bukod sa bar sighting kina James and Nadine last Saturday night, magkasama rin sila sa ‘pasta night’ na uploaded ng sister ni James na si Lauren na as if hindi naman talaga sila hiwalay contrary sa kanilang pag-amin na nag-break sila.
Last December nang pumirma ng contract si Nadine sa Careless Music, ang recording label ni James.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang nilalabas na statement ang Viva.
Wala pa ring reply si Boss Vic nang i-text namin sa reaction niya sa paglayas ni Nadine na parang may pattern ang mga pangyayari.
- Latest