^

PSN Showbiz

Kyline pumiyok sa ginagawang pagmumura

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kyline pumiyok sa ginagawang pagmumura
Kyline

Maingat si Kyline Alcantara sa mga sagot niya nang napag-usapan ang tungkol sa pagmumura ng kabataan lalo na ng mga sikat na young stars.

Naging isyu pa kasi ito dahil sa kumalat na video na napamura si Kathryn Bernardo, nang muntik madulas ito sa isang lugar na pinuntahan nila sa Iceland.

May kumalat din noon na video na napamura rin si Liza Soberano.

Kaya ang daming nagagalingang nagkukomento na kesyo hindi raw dapat nagmumura dahil mga tinaguriang role model daw sila sa mga kabataan.

Hindi rin naman maiwasang mapamura ka kapag nagulat, kaya ipinagtanggol naman si Kathryn ng mga fans niya.

Pero sinasabi naman ni Kyline na nag-iingat daw siya talaga sa mga sinasabi niya at kahit nga sa mga pinu-post niya sa kanyang social media.

So far, ang pinaka-grabe lang daw na nabanggit niya minsan kapag nagugulat siya ay “sh*t!”.

“Ako po kasi, alam ko naman po na nilu-look up po ako ng ibang kabataan, mas nagiging maingat po ako sa bawat pinu-post ko sa social media, sa mga pinaparating kong message na dapat ako mismo ay pinapaniwalaan ko,” pakli ni Kyline nang nakatsikahan namin sa nakaraang Thanksgiving party ng Macbeth footwear and apparel.

“Dun naman po sa mga nagmura…I have friends din naman po.

“Just be careful lang po sa mga places na siguro kailangang medyo iwasan.

“Siguro sa ibang bata… hindi po ako napapamura eh. Minsan meron din po pero hindi po ganun.

“Siguro kung kinakailangan po sa scene sa nagawa kong indie films. Sinasabihan nga ako ng direktor ko na, ‘ano ba yan ba’t hindi ka marunong magmura. Hindi ko po talaga alam eh,” dagdag na pahayag ng Kapuso young actress.

Samantala, pinaghandaan na raw niya ang mga mabibigat na eksenang gagawin niya sa Bilangin ang Bituin sa Langit na kung saan makakasama niya si Nora Aunor.

Nakapag-bonding na raw siya kina Mylene Dizon, at nagkasama na raw sila sa eksena ng leading man niyang si Yasser Mata pero wala pa sila ni Ate Guy na medyo pressure daw sa kanya.

Pero ang mas nakaka-pressure ay ang malaking expectations daw sa drama series nila na ipalalabas sa afternoon prime.

Malakas kasi ang mga panghapong programa ng GMA 7, kaya inaasahang magri-rate din itong Bilangin...

Barbie ayaw nang mag-expect sa Valentine 

Mamayang gabi na pagkatapos ng 24 Oras mapapanood ang pagsisimula ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na pinagbidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Nung nagsama sina Barbie at Mica dela Cruz sa Kara Mia, lagi nilang sinasabing nabuo raw ang magandang friendship nilang dalawa.

Dito naman sa Anak ni Waray…ganun din sa kanila ni Kate dahil talagang nag-bonding daw sila nang husto nang mag-taping sila sa Ilocos Norte at sa Tacloban. Pero ayaw naman i-compare ni Barbie ang friendship niya kay Mica at kay Kate.

“Pagdating sa mga bagay na yan, I never want to compare. Kesa sa

friendship man yan o sa project na ginagawa ko… ako kasi kahit ako personally, ayokong kinu-compare ako  ayoko yung feeling na kinu-compare ako sa  iba.

“So, bakit ko yun gagawin di ba?

“Magkaiba kasi sila ng ugali ni Mica, magkaiba sila ng goals din, career-wise o yung personal life. Ayun magkaiba, at saka mas bata rin kasi si Kate talaga,” pahayag ni Barbie.

Samantala, three years na pala ang relasyon nina Barbie at Jak Roberto, at tuwing Valentine’s Day kinaka-career talaga ng Kapuso hunk actor ang pa-surprise niya kay Barbie. Pero this time, ayaw na raw mag-expect ni Barbie dahil muntik pa raw pinag-awayan nila ni Jak ang Valentine surprise na yan nung nakaraang taon.

“Tumigil na ako sa expect na yan kasi last year sa sobrang pag-expect ko, muntik na kaming mag-away.

“Ako, anything. Basta ewan ko kung ako lang ba yun, pero bilang babae, nag-expect ako siyempre. Two years pa lang kami nun, kasi nung first year hindi pa namin na-celebrate ang Valentine’s together because hindi pa puwede…hindi pa puwedeng ilabas ang aming relasyon. Pero nung second year na, nasabi ko na parang deserved ko naman na ma-treat bilang babae nang Valentine’s, bilang lahat na babae hinihintay yan.

“Tapos umarte si Kuya na wala raw siyang surprise, eh meron naman pala.

“Kaso, inulan. So, nag-set up na lang sila sa bahay ko ng magandang candle-light dinner,” tuluy-tuloy na kuwento ni Barbie.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with