^

PSN Showbiz

Mikael at Megan dapat tularan ng ibang ikakasal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mikael at Megan dapat tularan ng ibang ikakasal!
Mikael & Megan

Bongga talaga sina Mikael Daez at Megan Young na sinorpresa ang lahat sa kanilang church wedding noong January 25 sa San Roque Chapel, Subic, Zambales.

Mas ginusto nila ang tahimik na wedding at ito ang  talagang wish ni Megan, ang simple, intimate wedding, solemn at sila lang at ang immediate families ang present.

Magandang tularan ng mga celebrity ang Megan-Mikael nuptials kung gugustuhin nila na walang fanfare o magulo ang kanilang special day.

Depende naman talaga sa mga ikakasal, how they want it and how they will do it. Kahit pareho kayo na nasa limelight, puwede naman na itago at ayusin basta gugustuhin ninyo.

Congrats and best wishes Mikael and Megan.

Kris magbi-birthday na naman

Ang bilis ng araw dahil pagkatapos ng Happy Chinese New Year, Happy Valentine na ang pagbati natin dahil ‘yon ang next happening na aabangan ng lahat.

Malapit na naman ang birthday ni Kris Aquino sa February 14.

Araw ng mga puso ang birthday ni Kris at wish ko lang on that day, happy and healthy ang puso niya.

Kaloka na ang isang tao na napaka-ingat sa health tulad ni Kris, nagkakaroon ng mga sakit. Medyo matagal na rin ang gamutan ang nangyayari sa kanya at sana naman, kung anuman ang nararamdaman niya, gumaling na sana siya.

Magbalik-sigla na rin sana ang career ni Kris dahil ito ang talagang part ng buhay niya na makakapag-paligaya sa kanya.

Pagdating sa hosting, wala pa rin tatalo sa hosting skills ng isang Kris Aquino.

Enjoy your happy day Kris, be happy and have peace in your heart. Your day will come, just be patient and make yourself healthier.

Mga kabayo sa Taal, hindi na puwedeng alagaan

Sayang Salve, wala akong farm o malaking lugar para sa kabayo. Ang sakit sa dibdib na makita ang mga namamatay na kabayo sa Taal volcano island, ang mga kabayo na ibinebenta na ng mga may-ari dahil wala nang grazing ground at hindi na nila puwede alagaan.

‘Yung iba naman, dinadala sa slaughterhouse para ibenta sa meat market.

Parang ang sarap ala­gaan ng mga kabayo, lalo na ang mga kabayo na nakikita natin na niyayakap pa ng mga may-ari.

Nakakaiyak din na makita sila na biglang natutumba dahil sa matinding gutom. Siguro nga, totoo ang paniniwala na ang mga alaga nating hayop gaya ng kabayo at aso, sinasalo tayo sa maaaring mangyari na kapahamakan.

Mas maraming alagang hayop ang namatay sa gutom at usok ng bulkan at salamat sa Diyos dahil walang mga  namatay na tao. Siguro nga, sila na ang sumalo, our dear pets.

Taal Volcano bumaba na sa Alert Level 3!

Masaya ang mga residente sa mga bayan ng Batangas na matagal nang hindi nakakauwi sa kanilang mga tahanan na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano dahil mula sa Alert Level 4, ibinaba kahapon ng PhiVolcs ang warning sa Alert Level 3.

Umuwi na ang mga residente ng ilang mga bayan sa Batangas sa kanilang mga tahanan maliban sa mga naninirahan sa Agoncillo at Laurel na nananatili na under lockdown.

Mahigit sa 300,000 ang bilang ng mga pamilya na lumikas mula sa mga bahay nila kaya tuwang-tuwa sila nang sabihin ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na maaari na silang bumalik sa kanilang mga tahanan at trabaho.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with