Kim At Xian
Kim at Xian ‘di pinatatagal ang away
SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

Katulad ng ibang magkasintahan ay nagkakaroon din ng tampuhan sina Kim Chiu at ­Xian Lim. Para sa aktor ay talagang kasama o normal na sa isang relasyon ang pagkakaroon minsan nang hindi pagkakaunawaan. “Merong away, definitely kasama ‘yung away at dapat tanggapin mo na mag-aaway kayo kahit pa anong mangyari. Kumbaga, given na ‘yon, dapat tanggapin mo kung ano mang indifference na meron kayo,”  makahulugang pahayag ni Xian.

Kapag nag-aaway ang magkasintahan ay kaagad din namang naaayos ang gusot sa pagitan nila. Pinag-uusapang mabuti nina Kim at Xian ang mga bagay na hindi nila napagkakasunduan upang maging maayos ang lahat. “Hindi rin kasi ako naniniwala sa cool off eh. Tama, may time, you give each other space and time pero huwag naman tagalan nang sobra. So dapat huwag pabayaan. Dapat ayusin kung ano ang dapat ayusin,” dagdag ng aktor.

Ilang taon nang magkasintahan sina Kim at Xian at ngayon ay masayang-masaya ang dalawa sa kanilang relasyon. “Ang love life ko okay naman, same-same lang. Iba-iba kasi ‘yan eh, kung ako, kung huhugutin ko sa sarili ko, it’s still the trust eh. Trust the way you communicate and it takes two to tango. So parang dapat talaga open kayo sa isa’t isa and you won’t let a day go by na malamig. You fix it right away kung kaya, pero kung hindi, palamigin muna,” paglalahad ng binata.

Jinggoy kabado sa comeback movie!

Mahigit pitong taon na ang nakalilipas nang huling makagawa ng pelikula si Jinggoy Estrada. Ngayon ay muling magbibida ang dating Senador sa Coming Home kasama si Sylvia Sanchez. Aminado si Jinggoy na kinakabahan siya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte. “The only fear that I have is I might not be at par in terms of acting. Because I have been inactive in movies in the past seven years. Si­guro tuturuan ako ni Bisaya (Sylvia Sanchez) umarte sa mga eksena namin. I’m very, very happy kasi nagbabalik na ako dito sa una kong minahal, ang pag-aartista,” nakangiting pahayag ni Jinggoy.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak na rin sa paggawa ng pelikula si Ariella Arida. Makakasama ang beauty queen nina Jinggoy at Sylvia sa bagong proyekto. Isang malaking karangalan umano para sa dalaga na makasama ang mga tinitingala sa industriya. “It’s such an honor for me na makasama ang ating mga batikang mga aktor at aktres. Kaya I’m so excited na masimulan na po itong movie kasi mayroon siyang magandang story na maaantig ang ating mga puso,” pagbabahagi ni Ariella.

Mula sa ALV Films ang naturang pelikula at nakatakdang lumahok para sa Metro Manila Film Festival 2020. (Reports from JCC)

KIM CHUI XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with