^

PSN Showbiz

Ejay tumangging pumasok sa pulitika!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ejay tumangging pumasok sa pulitika!
Ejay

Tuwang-tuwa si Ejay Falcon nang nakatsikahan namin sa radio program namin sa DZRH nung isang gabi dahil kagagaling lang pala niya nun ng Batangas para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

Nagamit na raw niya ang pagiging Reservist niya sa Philippine Airforce dahil sumama siya sa grupo ng Airforce na nagdala ng tulong sa Batangas. “Nagbigay po kami ng donation at tulong na rin, kasama ko yung mga kasama ko sa Airforce. Kahit papano…siguro nakapagpasaya naman kami dun, nakita kami ng mga kababayan namin dun,” pakli ni Ejay.

Iba raw kasi talaga ang feeling niya kapag nakapagbigay ng tulong na taun-taon ay ginagawa niya sa kanyang bayan sa Brgy. Bakawan, Pola, Oriental Mindoro.

Sampung taon na nga raw itong ginagawa ni Ejay tuwing bago mag-bagong taon, ilang araw siyang tumitigil sa bayan niya para pasayahin ang mga tagaroon.

Nagbibigay siya ng pamasko, nagpapa-basketball at naglalaan din siya ng isang araw para naman sa senior citizens na binibigyan niya ng regalo.

Sa totoo lang, may ilang pulitiko roon na kinukumbinse na siyang pasukin ang pulitika, pero wala raw talaga sa plano niya iyun. “Hindi po talaga eh,” mabilis na sagot ni Ejay tungkol sa posibleng pagpasok niya sa pulitika.

“Nakakatuwa lang po na nagsi-share ka ng blessings sa mga dati mong kaibigan, mga kalaro nung bata ka, kababayan mo, lalo na ngayong magkakasunod na naapektuhan ang kabuhayan nila roon dahil sa mga bagyong nangyari.

“Tulong lang po talaga. ‘Yan lang po talaga sa buhay natin, hindi lahat ng tulong ay may kapalit eh. Hindi ko po talaga naiisip yan.

“Sa trabaho ko na lang po sa showbiz ako mag-focus.

“Hangga’t hindi pa po ako nakapagtapos ng pag-aaral, ayoko pong pasukin ang isang bagay na wala naman po akong magagawa,” pahayag ni Ejay.

Kaya nga pinag-iisipan din niyang ituloy ang pag-aaral dahil dalawang kapatid na lang niya ang pinapaaral sa ngayon.

Kaya pagkatapos ng Sandugo, baka ayusin na raw niya ang makapag-aral ng college.

 “Gusto ko po sana siyang ituloy, Siguro ayusin ko muna ang schedule pagkatapos ng Sandugo. Gusto ko pong subukan na matuloy ang pag-aaral,” saad ni Ejay.

Kate kinikilig ‘pag sinasabihang kamukha ni Liza Soberano

Flattered si Kate Valdez kapag naririnig niyang kamukha raw niya si Liza Soberano.

“Nakakakilig po. Hindi naman po madi-deny sobrang ganda ni Ate Liza.

Hindi ko po alam kung yun po ang nakikita nila sa akin. I respect them kung yun po ang nakikita nyo.

“Hindi naman po ako mag-iinarte pa dahil Liza Soberano naman po yun, and I’m wishing sana magkita po kami,” pahayag ng young actress sa nakaraang mediacon ng bagong drama series niyang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na magsisimula na sa Lunes, pagkatapos ng 24 Oras.

Ngayong bida na si Kate sa isang serye kasama si Barbie Forteza, lalo raw siyang naging maingat na hindi ma-misinterpret ang mga kilos niya.

Hindi maiwasang napapagkamalan siyang nagsusuplada at may mga isyu pang naga-attitude raw siya noon sa trabaho.

“Actually, hindi ko po alam na may ganun na palang nangyayari. Kasi alam ko naman po sa sarili ko na wala naman po akong nasasaktang tao. Pero kung meron man, pasensya na po. Nagkakamali rin… minsan pagod. Hindi ako aware na kung nasaktan ko man. But still, I’m sorry po kung meron man.

“Mas naging aware po ako ngayon, kasi hindi ko po alam kung saan nanggaling.

Baka kasi po sa features ko kasi akala nila masungit ako. Mukha naman po akong suplada.. kahit ang Mama ko naiinis din sa akin.

“Baka po sa tono nang pananalita ko. Just because, I’m a pure Caviteña matigas talaga ako magsalita,” mahabang paliwanag ni Kate.

Isa si Kate sa magpu-promote sa All-Out Sundays ngayong tanghali.

Maglalaro sila sa Familympics kasama ang mga co-stars niyang sina Barbie Forteza, Snooky Serna, Migo Adecer, Jay Manalo at Ms. Dina Bonnevie.

vuukle comment

EJAY FALCON

KATE VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with