Kim
Kim naka-relate sa mga naging mistress ng tatay!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Anong petsa na, pero wala pa ring updates sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Eh kahapon nagkaroon ng media conference ang pinakabagong teleserye ng Dos na pagbibidahan nina Xian Lim, Yam Concepcion at Kim Chiu na Love Thy Woman, na mapapanood na sa simula Pebrero 10 (Lunes). Ito ang papalit sa Kadenang Ginto.

Nag-resume na nga ang session ang Congress pero wala pa rin diumano sa priority schedule ng House of Representatives ang nasabing usapin dahil inuuna nila ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience.

Anyway, sa trailer pa lang ng Love Thy Woman ang intense na ng kuwento nito.

Tampok sa family drama ang inaabangang pagbabalik-teleserye ng tambalan nina Kim at Xian, ang teleserye comeback ni Yam pagkatapos ng Halik (na si Erich Gonzales ang unang gumanap),  at ang star-studded cast na kinabibilangan nina Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsazsa Padilla, Ruffa Gutierrez, at Christopher De Leon kung saan iikot ang kwento sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya – ang unang asawang si Lucy (Eula) at anak nilang si Dana (Yam), at ang pangalawang asawang si Kai (Sunshine) at anak niya ritong si Jia (Kim).

Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patuloy pa rin ang alitan sa pagitan nila at maapektuhan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.

Isang gabi ang wawasak sa pamilyang Wong dahil maaaksidente si Dana at ang asawa niyang si David (Xian) sa gabi ng kanilang kasal, at malalagay sa coma si Dana.

Habang hinihintay nilang magising si Dana, mabububuo naman ang mas malalim na relasyon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan.

Actually, ang part na na-coma ang inayawan diumano ni Erich sa role na napunta kay Yam.

Dahil sa nasabing pag-back out ni Erich na-delay ang airing ng LTW dahil maraming ni-reshoot na eksena.

Anyway, gaganap na second family si Kim sa nanay niyang si Sunshine sa nasabing drama serye.

Kaya naman relate much ang actress na aminadong maraming asawa ang kanyang Chinese na ama.

Emotional nga siya nang pag-usapan ito.

Ang kaibahan lang, belong siya sa first family ng kanyang tatay sa totoong buhay.

“Mapagmahal ang Papa ko, and it really happens talaga. Totoo talaga siya and accepted siya ng lahat ng wife. Pero hindi ipinapakita.

“Growing up, lagi akong nagwa-wonder, nasaan ang Papa ko, lagi siyang nawawala. Ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, city siya. So, nililipad niya talaga ‘yun.

“Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure. Pero pag may special event, nandiyan siya na naging motivation ko na mag-aral akong mabuti para every time na mayroon akong award, pupunta siya. Tapos may mga birthdays,” pag-aalala ng aktres.

Anyway, ang Love Thy Woman ay mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Andoy Ranay, at Jerry Lopez Sineneng.

Concerned artists of the Philippines nagsalit na sa franchise renewal

Speaking of franchise renewal, nauna nang nagpahayag ng suporta ang Concerned Artists of the Philippines sa Kapamilya Network at nanawagan ito sa mga kasamahan sa industriya na ipaglaban ang franchise renewal nito.

“We support the call for the immediate renewal of ABS-CBN’s franchise, which is set to expire in March 2020,” ayon sa official statement ng grupo na natanggap ko.

May panawagan din ito sa mga miyembro ng organisasyon at kasamahan sa industriya na pirmahan ang 1M signatures para sa nasabing franchise renewal petition na sinimulan ng National Union of Journalists in the Philippines sa change.org bilang suporta sa TV network.

“We urge actors, actresses, directors, writers, producers, and other media workers, whether in ABS-CBN or other networks, to wield their influence for the common good,” ayon sa pahayag ng grupo, na kinabibilangan ng mga artista, musicians, manunulat, filmmakers, at cultural workers sa bansa.

Kelan nga ba sisimulan ang pagtalakay sa franchise ng Dos?

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with