Marcelito
Marcelito Pomoy sampung kanta ang inaaral para sa semi-finals ng AGT...
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Depression noon ‘di na ramdam

Pinagkaguluhan ng mga empleyado ng Macbeth footwear and apparel ang bagong internet sensation at magaling na singer na si Marcelito Pomoy nang dumalo siya sa Thanksgiving party ng naturang produkto na ginanap sa Elements sa Centris, QC nung nakaraang Huwebes ng gabi.

Umuwi muna siya ng Pilipinas sandali para paghandaan ang pagbabalik niya sa America’s Got Talent : The Champions pero babalik siya sa America by end of this month dahil sasabak siya semi-finals bandang second week of February.

Kuwento ni Marcelito, nag-submit na raw siya ng sampung kanta sa staff ng AGT para piliin daw nila kung ano ang kakantahin niya sa semi-finals.

Kaya kailangan niyang kabisaduhin ang sampung kantang iyun dahil hindi pa niya alam kung alin dun ang ipapakanta sa kanya.

“Parang bumalik ulit ako sa dati sa umpisa.  Kumbaga, mas malala ito kesa sa una, kasi international yan eh. Ang mga kalaban ko hindi naman basta basta kasi lahat yung nag-champion. Kaya mga champion talaga ang naglalaban-laban,” bulalas ni Marcelito nang nakapanayam namin pagkatapos niyang mag-perform sa Macbeth party.

Nagpapasalamat siya sa mga kababayan natin na talagang todo ang suporta sa kanya sa Amerika at nangakong iboboto uli siya.

Hindi rin itinanggi ni Marcelito na dumaan siya sa depression nung hindi na siya nabibigyan ng show sa ABS-CBN.

Napangiti nga siya nang tinanong kung may tampo ba siya sa Kapamilya network dahil wala na silang ginawa para sa kanyang career.

“Pasalamat naman po ako kahit hindi sila ganun ka ano sa akin kasi si­yempre dun ako nanggaling eh.

“Pasalamat ako sa ABS dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi ako nakilala,” safe na sagot ni Marcelito.

Nagpasalamat lang siya sa asawa niya dahil iyun daw talaga ang nag-push na ituloy pa rin ang pagkanta kahit wala na gaanong kumukuha sa kanya.

“Kasi po parang wala na eh…every year po kasi madaming bagong pumapalit.

“Kaya yung mundo ko parang gumuho na. Sabi ko sa sarili ko, mag-ano na lang ako…mag-stick na lang ako sa negosyo,” pakli niya.

Meron pala siyang dalawang hardware na negosyo at okay naman daw. Pero iba raw talaga kapag maipagpatuloy niya ang kanyang singing career. Kaya mabuti na lang at nandiyan ang  kanyang asawang nagpursige na hanapan siya ng trabaho at nag-ayos nitong pagpasok niya sa America’s Got Talent.

“Pasalamat na lang siguro ako sa asawa ko kasi siya ang gumawa ng way eh.

“Nung nawalan ako ng pag-asa, siya ang talagang nagtayo sa akin na ‘hindi kaya mo pa yan. May boses ka pa, ako ang gagawa ng paraan,” saad ni Marcelito.

Sa ngayon ay marami na nga raw ang nag-aalok sa kanya na mag-recording sa ibang bansa, at marami na raw nag-i-invite sa kanya na mag-perform pero nasa focus niya ngayon ang AGT, at wala naman daw siyang expectations basta gawin lang daw niya ang ‘best’ niya sa naturang talent show.

Field cashier pinatatago na Shooting nagkakanda-delay delay na, magaling na aktres inaatake ng asthma ‘Pag nakuha na ang talent fee

Sumasakit na raw ang ulo ng production staff sa magaling na aktres dahil bukod sa mahirap daw pagtugmain ang schedule nito sa shooting, hindi pa rin maalis-alis ang attitude nito sa set na kapag naibigay na ang talent fee niya, kung anu-ano na ang sakit na nararamdaman para pauwiin na lang siya.

May target date ang shooting ng project na ginagawa nito para hindi lumobo ang budget.

Kung kailangang matapos ito ng isang buwan, dapat hanggang dun lang talaga dahil kakapusin na sa budget pag lumagpas pa dun.

Pero ang problema ay si magaling na aktres dahil  hindi niya natatapos ang mga sequences na dapat niyang tapusin sa araw na iyun, dahil kapag maiabot na ang talent fee, inuubo na ito, inatake raw ng asthma, kaya nagpapaalam nang uuwi.

Kaya ang ginagawa na ngayon ng production staff, tinatago nila si field cashier dahil kapag ma-sight na ito ni aktres, tiyak na sisingilin na ang talent fee niya.

Pero nagdududa pa rin daw silang matapos nila ito sa takdang panahon dahil nga sa mga delay na kagagawan din ni magaling na aktres.

MARCELITO POMOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with