Mother Lily & Juday
Makulay na buhay ni Mother Lily inaabangan kung makukumpleto sa pelikula
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Excited na ako sa pagsisimula ng shooting ng life story ni Mother Lily Monteverde. Bongga rin na si Judy Ann Santos ang gaganap sa role niya dahil halos lumaki na si Juday sa bakuran ng Regal Films.

Exciting ang buhay ni Mother Lily at talaga naman icon siya at karapat-dapat na gawing pelikula ang lifestory niya noh.

At isa pang exciting iyon dami ng mga star na gugustuhin talaga na makita sa gagawin pelikula.

Name the star, any star, at sure ako nagkaroon siya ng bahagi sa buhay ni Mother Lily Monteverde. Kaya nga, wow na wow talaga.

Tingnan natin ang portrayal ni Judy Ann Santos as Mother Lily.

Teka maging part kaya ng movie ni Mother ang ginawa niyang pagpapahiram ng wedding car noon sa kapatid ko na pinaalis niya rin bago matapos ang seremonyas sa simbahan?

Naku talagang naloka ako noon na inihatid lang ng service na pinahiram ni Mother Lily ang ikakasal pero pinaalis din pagkahatid dahil gagamitin pala ‘yun sa shooting? Hahaha. Kaloka.

Mga pulis, military at volunteers nakakamangha ang haba ng pasensya

Dapat talaga nating pasalamatan ng malaki ang mga pulis, military at volunteers ng Taal. Kung titingnan mo iyong lumalabas sa TV na mga balita, ‘yung galit ng mga tao sa mga nagaganap ay sa mga pulis at militar nila ibinubunton.

Sinisigawan, nakikipagtalo, at kung minsan nga ay minumura pa, pero ang haba ng pasensiya ng mga pulis.

Pero hindi mo rin naman masisi ang mga tao na gustong tingnan ang mga bahay nila, i-check ang mga alagang hayup, at siguro mainip dahil nga sa discomfort ng evacuation center. Matagal na rin kasi ang stay nila at naiisip nila na ok na dahil huminto na ang buga ng abo pero iyon lang Phivolcs officials lang ang puwede makaalam ng tunay na sitwasyon.

Pero hanga ako sa mga nagbabantay na pulis, militar at volunteers, dahil sila din nasa panganib ang buhay, sila din inip at pagod na, sila din gusto umuwi sa mga bahay nila pero nandun pa rin sila at nagbabantay, tinitingnan ang kaligtasan ng lahat.

Salute to our men in uniform. Double salute. 

Perfumery business, booming

Twenty-five years na pala ang Aficionado Perfumes ni Joel Cruz at ngayon, may Nouve Eau de Toilette si Myrtle Sarrosa.

May perfumes at colognes na rin ang Kamiseta, si Nadine Lustre, ang Beautederm ni Rhea Tan na si Arjo Atayde ang endorser. Ang Bench at Belo may mga baby cologne products din.

Bongga, mukhang okey ang perfumery business natin dahil marami na ang pumapasok sa negosyo na ito.

May mga personal perfume gaya ng mga ibinibigay ng mga artista tuwing Pasko at kapag birthday nila.

JUDY ANN SANTOS MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with