"[P]ara tapusin ito rito at ngayon, lahat ng 'yan ay 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick," sabi niya sa Inggles, Biyernes.
Mula sa Instagram account ni Issa Pressman
Issa Pressman binasag ang katahimikan, wala raw kinalaman sa hiwalayang James-Nadine
James Relativo (Philstar.com) - January 24, 2020 - 6:48pm

MANILA, Philippines — Direkta nang sinagot ni Issa Pressman ang mga paratang na siya ang dahilan ng breakup ng dating showbiz couple na sila Nadine Lustre at James Reid. 

Kanina, hindi na napigilan ni Issa, na kapatid ng "Ang Probinsyano" star na si Yassi Pressman, na ipahayag ang kanyang panig sa Instagram.

"[P]ara tapusin ito rito at ngayon, lahat ng 'yan ay 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick," sabi niya sa Inggles, Biyernes.

"Kung mananahimik, 'guilty' ako. Kung manindigan ako, 'defensive.' Huhusgahan ka pa rin ng mundo kahit anong mangyari."

Hinikayat na lang din niya ang lahat na mag-move on sa usapin.

Ika-21 ng Enero nang magpaskil ng litrato ang ate niyang si Yassi kasama si Nadine habang kumakain ng dinner

Ayaw na raw sana patulan nina Yassi at Nadine ang isyu ngunit sumusobra na raw ang mga tao.

"Ayaw na po sana namin patulan, pero napagdesisyunan naming mag-post ng ganito dahil hindi okey ang cyber-bullying. Kahit kailan, hindi 'yun okay," wika ng ate ni Issa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo ?? Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya. ~ this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. ?? Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then.... they started getting out of hand, at di na yun tama.. Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They're not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick ~ We're all okay. Sana po kayo din. Let's respect everyone. ????

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Ika-20 ng Enero nang ilantad nina James at Nadine sa palabas na "Tonight With Boy Abunda" na tapos na ang lahat sa kanila.

Ilan sa mga dahilang itinuro nila sa kanilang hiwalayan ay ang pag-focus sa kanilang sarili, karera at personal growth habang sila'y bata pa.

BREAKUP ISSA PRESSMAN JAMES REID NADINE LUSTRE YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with