James nagbebenta ng bahay?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

True ba na for sale na raw ang bahay ni James Reid sa Quezon City na saksi sa tatlong taon na pagmamahalan nila ni Nadine Lustre?

Ang kuwento sa akin ng source ko, source ko raw oh, lumipat na raw si James sa ibang bahay at ang desisyon niya na ibenta ang kanyang naipundar na tahanan ay baka sign na unti-unting pagkabura ng memorya ng maliligayang araw nila ni Nadine.

Ngayong ibinebenta na raw ni James ang Quezon City house niya, wala na bang babalikan o pupuntahan na bahay si Nadine, unless sabihin sa kanya ni James ang lugar na nilipatan nito?

Kaloka sila. Naku unahin n’yo ang career ninyo bago ang lahat. Hindi kayo magkakadatung sa mga ganyan noh.

Chair Rachel, straight forward

Nakakatawa talaga kapag may presscon ang mga bagets natin na cabinet members. Masarap kakuwentuhan sina FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño at MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board) Chair Rachel Arenas dahil mga young pa sila like sa chitchat time natin with Chair Rachel talagang panay tawanan at kuwentuhan lang dahil ito ang gusto niya.

Ayaw ni Chair Rachel ng interview pero pinilit pa rin siya ng entertainment press at nakakatuwa na hindi niya alam na video na pala ng mga cellphone ang ginagamit.

Napaka-straight forward pa naman ni Chair Rachel kaya maraming sound bites na nakuha sa kanya.

Nakakatuwa na kapag young ang cabinet member, hindi naiilang ang press, hindi sila intimidated, free flowing ang discussion at naitatanong nila ang lahat ng gustong malaman.

Sana, palaging may meet-the-press ang mga taga-gobyerno. Mas mabuti dahil direct from them ang usapan, mas open at madali.

Thanks Chair Rachel Arenas for the job well done.

‘Welcome back Sen. Jinggoy’

Sure ako na magtatampo si Senator Jinggoy Estrada sa akin dahil hindi ako invited ni Tinnie ni Arnold Vegafria sa presscon nila kahapon para sa Coming Home, ang comeback movie niya.

Siguro naiingayan sa akin or baka dagdag-budget ako kaya hindi ako invited. Usually, kahit hindi ako invited pag type ko, gatecrash ang beauty ko kaya malaking trauma ako sa PR department.

Pero ayoko naman na ma-trauma sa akin si Tinnie kaya hindi ako nag-gatecrash sa presscon nila.

Dalawa pa naman sa love ko ang kasama sa cast ng Coming Home, sina Jinggoy at Sylvia Sanchez.

Pero kahit wala ako sa presscon kahapon, alam ni Jinggoy na isang text message lang niya sa akin, handa ako na tumulong.

Isa si Jinggoy sa mga pinakamabait na tao na nakilala ko, dahil bukas-palad siya sa pagtulong, loyal na kaibigan at bukal ang puso sa kaibigan.

Sana nga ay maka-buwelo ang project nila ni Sylvia at  maging maganda ang resulta sa takilya.

Good news talaga na may gagawin uli si Jinggoy na pelikula na plano na isali sa Metro Manila Summer Film Festival sa April 2020.

Welcome back sa movies Senator Jinggoy.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with