Joshua, nadisgrasya sa shooting
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

Masayang-masaya si Joshua Garcia dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa siya ng action horror film.

Kasamahang bida ng aktor si Julia Barretto sa Block Z na mapapanood na sa mga sinehan simula January 29. “Ako na-enjoy ko ‘yung mga stunts kasi hindi naman ako palagi nakakapag-stunts eh. Lagi akong, ‘I love you’ (sa mga ginagawang pelikula). So sobrang saya ko na nagsa-stunts kami, actually may ginawa ako do’n na stunts na sa sobrang hirap, kinailangan ko mag-double. Pero gusto kong gawin,” pagbabahagi ni Joshua.

Nakaranas ng aksidente ang binata habang ginagawa ang isang eksena para sa bagong pelikula. Hinahabol si Joshua ng mga zombie sa naturang eksena kung saan siya ay nadisgrasya.  “Kasi ‘pag tiningnan m o talaga sila nakakatakot, para kayong nagtataya-tayaan actually kapag nagte-taping kami. Kasi siyempre ang goal nila mahabol ka, kumbaga mataya ka nila. Matatakot ka itsura pa lang talaga nila. No’ng paglingon ko hindi ko napansin ‘yung locker, tumama ‘yung shoulder ko sa locker. Pagkabangga ko ng gano’n, hindi na ako nakapag-react do’n sa pain. Tatakbo lang talaga ako pababa, mapapatakbo ka talaga ‘pag ganyang nakakatakot ‘yung zombie,” kwento niya.

Kahit kadalasan ay romance ang tema ng pelikulang ginagawa ni Joshua ay hindi naman nahirapan ang aktor na umarte sa nasabing action-horror film. “Actually para sa akin ‘yung mga zombies pa lang mismo nakakatakot na eh. Parang gagawin mo na lang siyang totoo sa iyo. Kasi nakakatakot talaga ‘yung zombies kapag nag-a-action na kasi hindi na sila ‘yung sila eh, naging zombie na sila. Natatakot na ako sa kanila palagi,” pagtatapos ng aktor.

Melai, binigyan ng tips si Alex sa panganganak

Engaged na ang magkasintahang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Nag-propose ang binata sa aktres sa Hong Kong habang nagbabakasyon noong December 27. Masayang-masaya naman si Melai Cantiveros nang mabalitaan ang tungkol dito. Malapit na magkaibigan sina Melai at Alex dahil matagal na nagkasama sa Pinoy Big Brother bilang hosts. “Hindi talaga sa amin sinabi ni Alex. Sobra akong na-touch sa kanya kasi no’ng na-greet namin siya , nando’n pala siya sa Batangas. “Tumulong siya sa mga Kapamilya nating nasalanta sa Taal. Very selfless ‘yung ginawa niya kasi doon siya mismo nag-birthday (January 16) sa Batangas. Pero doon din namin nalaman na no’ng time na ‘yon, na December pa pala nag-propose si Mikee. Very happy kami kasi nahanap na ni Alex ang kanyang ‘the one,’” nakangiting pahayag ni Melai.

Hindi raw kaagad naramdaman ng Magandang Buhay host na may naganap na palang wedding proposal kina Alex at Mikee noong isang buwan. “Wala kaming hint pero parang may mga nararamdaman na kami kasi iba na ‘yung mga post niya sa thread namin. Pero alam namin na ang saya-saya niya,” kuwento ng aktres.

Ayon pa kay Melai ay mukhang pinaghahandaan na talaga ni Alex ang pagiging misis kay Mikee dahil humihingi na ang aktres ng mga payo sa kanya tungkol sa pagbubuntis at panganganak. “Ang tinatanong niya sa akin siyempre ‘yung panganganak talaga. Kung paano ‘yung delivery, ‘yon talaga ‘yung masakit talaga. pero kasi mas mananaig ‘yung excitement mo na makikita mo ang anak mo kaysa doon sa sakit,” paglalahad ni Melai.   

(Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with