^

PSN Showbiz

Female personality nakalimutan ang anak na nagrebelde

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung paniniwalaan ang mga kuwentong nanggagaling mismo sa poder ng isang sikat na female personality ay madali nang masasagot ang tanong kung bakit malayo ang loob sa kanya ng isang personalidad na kadugo niya mismo.

Nakatanaw lang nang malayuan ang mga impormanteng nagsasalita, pero nu’n pa nila alam kung bakit hindi magkasundo ang dalawang babaeng personalidad na kontrobersiyal pa hanggang ngayon, marami silang kuwento.

Ayon sa aming source, “Hindi naman pala ganyan ang relasyon ng mag-ina nu’n. Nagsimula lang ang lahat nu’ng magkaanak na ang mommy ng girl.

“Nakikita niya siguro na halos wala nang time ang mommy niya sa kanya, puro ‘yung mga half-sisters lang niya ang binibigyan ng importance ng mommy niya, kaya siya nagkakaganyan.

“Kaya nga nagpaalam siya na sa ibang bansa na lang siya mag-aaral. Hindi niya kasi nararamdaman na talagang nakatutok na lang ang mommy niya sa mga siblings niya.

“Wala siyang nakikita, wala siyang napapansin, mas makagaganda kung lalayo na lang muna siya sa family nila,” simulang kuwento ng aming impormante.

‘Yun din pala ang dahilan kung bakit hinanap ng girl ang kanyang tunay na ama. Siya pa mismo ang gumawa ng paraan para magkatagpo sila nang personal.

Patuloy ng aming source, “Naku, galit na galit nu’n ang mommy niya sa ginawa niyang ‘yun! Huli na kasing nakaalam ang mommy niya, e!

“Pero pinanindigan ng girl ang ginawa niyang action, isa lang ang sinabi niya, gusto niyang makumpleto ang pagkatao niya. Nagkaroon sila nang matinding argument nu’n ng mommy niya at du’n na nagsimula ang lahat-lahat!” madiing kuwento ng aming source.

Hanggang sa naglabas na ng emosyon ang kanyang ina, sa opinyon ng publiko ay ito pa mismo ang nanglalaglag sa kanya, lalong lumayo ang loob ng girl sa kanyang mommy.

Isa pang sultada ng aming source, “Mahirap rin kasing ispilengin ang ugali ng mommy niya, e. Wala sa tamang riles ang paglalabas ng saloobin. Natural, maraming nagsasabi sa girl na bakit ganu’n, nanay pa niya mismo ang nangpapahiya sa kanya in public, kaya lalong lumayo na ang loob niya sa mommy niya.

“May inggit na nararamdaman ang girl na ang makagagamot lang naman, e, ang mother niya mismo. Kung naging fair lang sana ang pagtrato niya sa mga anak niya, di wala sanang ganitong issue?

“Kaso, ramdam na ramdam ng girl na iba ang pagmamahal ng mommy niya sa mga kapatid niya, ibang-iba ‘yun, samantalang siya pa nga naman ang mas nangangailangan ng extra love, dahil product siya ng isang broken relationship.

“Walang ibang makagagamot ng nararamdaman ng girl, ang mother lang niya, hindi ang social media at lalong hindi ang pagsasalita on national television,” bigay na bigay nang pagtatapos ng ­aming impormante.

Ubos!

Sen. Bong at Alex ‘di tinantanan ng panlalait sa pamimigay ng de lata

Mas mababaw pa nga ang tinanggap na panglalait ni Alex Gonzaga sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bulkang Taal kumpara kay Senador Bong Revilla.

Dalawang latang sardinas lang na nakalagay sa lukut-lukot na eco bag ang ipinanglait kay Alex, ‘yun pa ang napala ng dalaga sa pagpapalutang ng pagmamagandang-loob, ang pintas-pintasan ang kanyang tulong.

Pero mas matindi ang ipinalit na paghusga kay Senador Bong nang magpadala siya ng tulong sa mga evacuation center kamakailan.

Expired daw ang mga de latang ipinadala niya sa isang komunidad sa Batangas, hindi na puwedeng kainin, dahil magkakasakit-malalason lang ang kakain ng mga ipinadala niyang tulong.

Mahaba man ang pisi ng pasensiya ng kahit sino ay siguradong bibitiw sa mga ganu’ng klase ng pamimintas. Nagmagandang-loob na nga ang senador, naglabas ng sarili niyang pera sa kagustuhan niyang makapagsalba sa gutom ng mga biktima ng pagsabog ng bulkan, pero ganu’n pa ang salitang ibabalik sa kanya.

At ang nakakalungkot pa, kapag kinompronta naman ang nagpapalaganap ng ganu’ng fake news ay isa lang ang kanilang palusot, ‘yun daw kasi ang kuwento ng nakausap nilang source.

Hindi ba naman lantarang paninira na ‘yun sa aktor-pulitiko? Nagkaroon na nga siya ng pusong tumulong pero hinanapan pa rin ng negatibong butas ang kadakilaang ginawa niya.

Mahirap talagang mabuhay sa isang bansa na lahat na lang ng kilos ng kinaiinggitang personalidad ay sinisilip. Hinahaluan ng pulitika.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with