Vice and Ion
MTRCB pinababantayan ang landian sa ere nina Vice at Ion?!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2020 - 12:00am

Anyway, going back to Chair Rachel, sinagot niya rin ang tanong kung may move ba silang ginagawa sa pagdami ng streaming provider na accessible sa bata na hindi binibigyan ng rating ng MTRCB. Chika ni Chair Rachel, gumagawa na sila ng guidelines at nakikipag-usap na rin sila sa mga video in demand provider. Positive naman daw ang reaction ng mga ito.

Medyo matagal lang daw ang response dahil nga walang physical office sa bansa ang mga nasabing provider except for iWant.

Ngayon ay mas abala ang hawak niyang ahensiya sa kampanya ng Matalinong Manonood na hindi pa rin masyadong malinaw sa ibang manonood particular na sa malalayong probinsiya.

Eh ‘yun pagiging open ng ka-sweetan ng mag-dyo­wang Vice Ganda and Ion Perez on national television, inire-reklamo na ba?

“But so far kasi, we haven’t received grave complaints about what you mentioned, but if and when we do, we’ll definitely call the network. Hindi naming pwedeng isawalang-bahala lamang ‘yung mga reklamo ng mga manonood whether isa lang yan, or dalawa ‘yan or tatlo, ipapatawag at ipapatawag namin sila. But so far, to be honest, hindi pa kami nakakatanggap ng ganun’g reklamo,” sagot ni MTRCB chair.

Inulit niyang inirerespeto niya ang karapatan ng LGBTQ community.

“But syempre, if the viewers feel that it’s too much, of course, we will call on that. But if I say kasi my personal take on it, it will affect also the decision nun’g nag-review. And ako, I always respect kasi the decision of our board members who review whatever movie that is or whatever episode that is or whatever teleserye that is,” paliwanag niya. 

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with