‘Nakaka-proud ang Damayan ng Star’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2020 - 12:00am

Kalokah talaga tayong mga Pilipino. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis pero bakit iyong ibang mga donation na damit at sapatos sa Taal victims ang mga nakakatanggap pa ang nag-post sa social media ay para naman isang bad joke.

Iyon iba nagbigay ng mga gown, high heels, formal wear at meron pang wedding gown na para bang ipinadala nila iyong mga hindi nila magamit at ibinigay para mawala lang ang mga basura nila sa bahay.

Pasuutin ba naman ng formal wear at high heels ang mga nakatira sa evacuation centers?

Bakit hindi na lang tsinelas o t-shirts ang ibinigay?

Better siguro sa ganitong pagkakataon ibigay lahat ang donations sa Red Cross at sila ang mamahala dahil mas alam nila ang gagawin at kailangan ng mga biktima.

Saka konti lang naman practicality ang kailangan, siguro naman alam natin iyon, kaya huwag na tayong mang-inis pa, grabe, gown at high heels sa evacuation center, ‘di ba kagagahang malaki? 

Kaya dito nako bilib na bilib sa Operation Damayan, ang humanitarian arm ng PhilSTAR Media Group sa pangu­nguna ni Papa Miguel Belmonte.

Proud ako na part ako ng very ge­nerous na kumpanya niya. Imagine, halos limang araw naging abala ang mga empleyado ng Pilipino Star NGAYON at The Philippine Star sa pagre-repack ng relief goods.

Nabasa ko na umabot sa halos P6.5 million ang halaga ng donasyon na ipinamigay nila. 

Isa pa sa nagustuhan ko kay Papa Miguel ay yung pagi­ging hands on niya. Siya mismo ang nag-abot ng relief goods sa Taal evacuees sa San Luis, Batangas.

Kitang-kita mo talaga ang generosity ni Papa Miguel na hindi eklay ang pagiging sweet at mabait.

Kaya sobrang proud ako na naging babysitter ako noon ng Belmonte boys.

Nadine walang issue kay Issa

Hindi raw naniniwala si Nadine Lustre sa rumored relationship nina Issa Pressman at James Reid na ipinipilit ng JaDine fans na hindi matanggap na buwag na ang loveteam ng kanilang idolo.

Panay nga raw ang like ni Nadine sa mga Instagram post ni Issa na puwedeng sabihing isang patunay na walang problema sa pagitan nila.

Kung naniniwala nga naman si Nadine na si Issa ang third party sa split-up nila ni James, hindi na niya ipa-follow ang social media accounts ng kapatid ng kanyang kaibigan.

Out of the country din daw si Issa na nagulat dahil nag-trending sa Pilipinas ang kanyang pangalan dahil siya ang inaakusahan na third party sa break up nina James Reid at Nadine Lustre.

To the rescue naman kay Issa ang kanyang kapatid na si Yassi na may mensahe sa detractors, “Let’s respect everyone and think before you click.”

Inilabas kahapon ni Yassi sa social media ang litrato nila ni Nadine na magkasama na pruweba na walang isyu sa kanila dahil pilit nga na inili-link si Issa kay James.

Ipinagtanggol din ni Yassi si Issa dahil hindi niya matanggap na basta na lamang pupukulin ng mga masasakit na salita ang kanyang younger sister na nagbabakasyon sa Amsterdam.

DAMAYAN MGB NADINE L:USTRE YASSSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with