Dimples
Dimples gustong gawing pribado ang pagpapagaling ng asawa
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2020 - 12:00am

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Dimples Romana. Bukod sa teleseryeng Kadenang Ginto at mga pelikula ay marami na ring endorsements ang aktres.

Matatandaang naging emosyonal kamakailan si Dimples sa amin sa Tonight with Boy Abunda dahil sa kondisyon ng kalusugan ng asawang si Boyet Ahmee.

Nakailang balik sa ospital si Boyet dahil sa pagsusuka nito ng dugo na may kaugnayan sa lalamunan nito “I’m a very strong woman and I try not to speak about my family so much because I owe them their privacy. So Boyet is just getting to that tip top, nagpapagaling pa kasi siya hanggang ngayon. As much as I want to celebrate many, many blessings, hindi ko masyadong ma-celebrate pa. Siguro darating tayo doon. Sigurokaya rin ini-extend ni Lord ‘yung pampaganda ng 2020 ko, kasi very supportive si Boyet,” nakangiting pahayag ni Dimples.

Madalas na nasa trabaho si Dimples sa tuwing naoospital ang asawa pero sinisikap ng aktres na balansehin ang pagbibigay ng oras sa trabaho at sa pamilya. “Can you imagine, hindi n’yo ako nakitang nawala kahit saan. Pero hindi rin ako nawala sa bahay. I had to go in between tapings and shootings to be with my husband because he needs me, kailangan na kailangan niya ako. Kung kilala n’yo ako, napakaimportante sa akin ng pamilya,” paglalahad ng aktres.

Gerald sobrang na-touch kay Carlo

Kontrobersyal ang naging hiwalayan bilang magkasintahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson noong isang taon. Naugnay din si Julia Barretto sa aktor noong nagkahiwalay ang dating magkasintahan. Umani nang pambabatikos si Gerald sa social media mula sa netizens kaya dumaan sa matinding pagsubok ang binata.

Ayon kay Gerald ay malaki ang naging tulong ng mga kasamahan sa teleseryeng A Soldier’s Heart na silang mga nakasama noong matindi ang kanyang pinagdadaanan.

“Gumaan agad ang pakiramdam ko na parang hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito. Then ‘yung pinaka-peak ng lahat ng judgment at pinagdaanan, ako masasabi ko hindi ko ‘yun malalampasan kung hindi dahil sa A Soldier’s Heart at dahil sa grupo na ‘to,” pagbabahagi ni Gerald.

Kasamang bida ng aktor sa naturang serye sina Carlo Aquino, Vin Abrenica, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores at Elmo Magalona. Si Carlo raw ang madalas na kausap ni Gerald noong matindi ang kanyang suliranin dahil sa kontrobersiyang pinagdaanan. “Si Carlo ‘yung unang nag-message sa akin kung okay lang ako. Tapos siyempre kapag may pi­nagdadaanan ka, parang napakaimportante ‘yon eh. Sobrang na-touch ako,” kuwento ng aktor. (Reports from JCC)

CARLO AQUINO DIMPLES ROMA GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with