Sharon
Young actor na galing sa pamilya ng mga artista pambato sa mga beki ang nakaumbok na sandata
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2020 - 12:00am

Apat na beking personalidad ang magkakaumpukan. Seryoso ang daloy ng kanilang kuwentuhan. Mainit ang kanilang paksa pero walang malisya ang kanilang talakayan.

Tungkol ‘yun sa mga nakakasama nilang bagets actors na may maipagmamalaki sa pagitan ng kanilang mga hita. May kani-kanyang paglalarawan ang apat na beki tungkol sa kanilang napatunayan.

Marami sila pero ang talagang tinutukan ng magkakaibigang beki ay ang bagets actor na mula sa pamilya ng mga artista. Guwapo siya, malakas ang kanyang sex appeal, may pambato rin siyang talento sa pagkanta at pag-arte.

Sabi ni Beki 1, “Hayup ang kargada ng bagets na ‘yun! Nakasama ko siya sa isang serye, talagang nagmumura ang sandata niya! Kapag break, e, lumalapit kami sa kanya lalo na kapag boxer shorts ang suot niya!

“Alam n’yo naman kapag boxer shorts ang suot ng lalaki, di ba? Sa kaigsian, e, bumabalatay ang nota niya, nakaumbok talaga!

“Siyempre, ang mga beki sa set, sa kanya naka-focus kapag break na! Wala siyang kamalay-malay na sinusukat na pala namin ang kargada niya!” humahalakhak na kuwento ni Beki 1.

Nagkataon naman nakasama na rin pala ni Beki 2 ang bagets actor sa isang pelikula. Ganu’n din ang kuwento nito, talagang may ipagmamalaki ang guwapong bagets, magmumura raw ang kanyang armas.

Kuwento naman ni Beki 2, “Sinabi mo pa! Siya rin ang ulam namin nu’ng makasama ko siya sa isang movie! Dumarating siyang naka-jogging pants, kagigising pa niya nu’n mula sa mahabang pagbiyahe, ha?

“Pero naman! Gising na gising na ang sandata niya! Mapapansin mo agad ‘yun dahil parang may paa ng sanggol sa may harapan niya!

“True! Napaka-blessed ng bagets actor na ‘yun! Meron talaga siyang maipagmamalaki, kaya maraming beki ang tilam-tilam sa kanya!” patotoo ni Beki 2.

Mas matindi ang rebelasyon ni Beki 3, may basehan ito, alam ng miron kung bakit ganu’n na lang ka-blessed ang bagets actor.

Ang kanyang patotoo, “E, kanino pa ba naman magmamana ang bagets na ‘yun kundi sa mismong tatay niya! Ganu’ng-ganu’n din ang father niya, nang-aagaw rin ng pansin ang laki ng kargada niya!

“May pinagmanahan ang bagets actor na ito, sumalangit nawa ang kaluluwa ng kanyang ama!” sabi ni Beki 3.

Tanging panghihinayang na lang ang nasabi ni Beki 4, walang-wala raw kasi sa bokabularyo ng bagets actor ang makipagchurvahan sa beki, talagang pang-girl lang siya.

Napapailing nitong sabi, “Maraming beki ang inggit na inggit nu’n sa girlfriend niyang young actress. Kanin na lang kasi ang kailangan ng babaeng ‘yun, may ulam na siya, pinakawalan pa niya!

“True, magang-maga ang armas niya, ihihiga mo na lang siya sa lona!” nakataas ang kilay na pagtatapos ni Beki 4.

Ubos!

Morisette kailangang i-seminar

Sharon hindi matatawaran sa sobrang professional

Kailangang kumuha ng seminar ang tinaguriang Walkout Queen na si Morissette Amon sa Megastar sa usapin ng pagiging propesyonal.

Bumagsak sa CR si Sharon Cuneta, bumaltog ang kanyang ulo sa tiles, pero hindi ‘yun naging dahilan para hindi niya puntahan ang concert ng singer-composer na si Odette Quesada nu’ng gabi ring ‘yun.

Apat na kanta ang ibinigay niya bilang special guest, meron na rin siyang nararamdamang pananakit ng katawan dahil sa pagbagsak niya sa banyo, pero tinapos niya ang kanyang performance.

Pagkatapos ng kanyang guesting sa concert ay saka pa lang dinala sa ospital ang Megastar, sumailalim siya sa MRI, hindi simple ang kanyang pagbagsak.

Ganu’n ang propesyonal na personalidad. Kung ibang singer lang si Sharon ay puwede niya namang gawing dahilan ang kanyang pagbagsak para hindi sumipot sa concert, pero napakahalaga sa kanya ng word of honor, anuman ang mangyari ay darating siya.

Ang pagiging professional ni Sharon Cuneta ang isa sa mga katangiang naghatid sa kanya sa tagumpay. Nagso-show siya kahit hirap na hirap na siyang huminga sa matinding sipon at ubo.

Hindi pa ipinanganganak ang dahilan na pipigil sa kanya sa pagtupad sa kanyang kompromiso. Nu’ng minsang mag-concert siya sa Canada ay napakataas ng kanyang lagnat, minamalat pa siya, pero itinuloy niya ang concert dahil naaawa siya sa mga kababayan nating naglaan ng panahon para lang mapanood siya.

Ganown!

MORRISETTE AMON SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with