"Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay. [I]t is never okay," sabi ni Yassi habang dinedepensahan ang kapatid.
Mula sa Instagram account ni Yassi Pressman
Yassi Pressman, Nadine Lustre ipinatitigil ang 'cyberbullying' kay Issa sa JaDine breakup
James Relativo (Philstar.com) - January 22, 2020 - 4:12pm

MANILA, Philippines — Nanawagan ang kapwa aktres na sina Yassi Pressman at Nadine Lustre na itigil na ng publiko ang pangkukuyog kay Issa Pressman, na pinararatangan ngayon na may kinalaman ng JaDine breakup.

Inilutang kasi ng marami sa social media na inahas ni Issa si James mula kay Nadine, bagay na itinatanggi ni big sister Yassi.

"[T]his was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements," sabi niya sa kanyang Instagram post.

"Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay. [I]t is never okay."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Paliwanag ng "Ang Probinsyano" star, hindi papatol ang kanyang kapatid sa tirada ng iba ngunit hindi na raw niya maiwasang magsalita tungkol sa isyu bilang ate.

Noong una, tinatawanan lang daw nina Yassi at Nadine ang mga nakagisingang isyu, ngunit sumobra na raw ito.

Pinaalalahanan naman ni Yassi ang lahat na mag-isip-isip muna bago magpapaniwala sa mga nababasa sa internet: "They're not always the truth.
Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick"

Siniguro naman niya na okay silang lahat nina Nadine, at sana'y ganoon din daw ang mga fans.

Lunes nang umamin sina James at Nadine na tapos na ang lahat sa kanila sa January episode ng "Tonight with Boy Abunda."

"It’s true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media, but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can," sabi sa joint statement ng dating magsing-irog.

Siniguro naman ng dalawa na matalik pa rin silang magkaibigan at magpapatuloy sa paggawa ng musika magkasama.

Matatandaang pinasalamatan ng The STAR columnist na si Ricky Lo ang dalawa sa pag-amin dalawang linggo matapos niya isiwalat ang paghihiwalay-landas ng pop icons.

BREAKUP ISSA PRESSMAN JAMES REID NADINE LUSTRE YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with